STEAMED CHICKEN in GINGER, MIRIN and SESAME OIL
May ilang steamed chicken recipes na din ako sa archive at marami sa mga ito ay nilagyan ko ng mga herbs and spices. This time, mga sauces naman ang ginamit ko para magpa-angat pa sa flavor ng manok. Gusto ko kasi ay huwag masyadong ma-over-power ng herbs yung lasa ng manok.
Nito ko lang na-discover ang pag-gamit ng mga Chinese at Japanese sauces and oils. Masarap nga ito at nagbibigay ng kakaibang lasa ang mga lutuin. Kaya ito ang naisip kong gamitin dito sa steamed chicken na niluto ko. Para din lang siyang Hainanese Chicken. Try nyo din po.
STEAMED CHICKEN in GINGER, MIRIN and SESAME OIL
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into half)
2 tbsp. grated Ginger
4 tbsp. Mirin
1 tbsp. Sesame Oil
3 tbsp. Sashimi Soy Sauce or ordinary Soy sauce
Salt and pepper to taste
Chili Garlic Sauce
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang manok at kiskisan sa paligid at kaloob-looban ng manok ang pinaghalong grated ginger, asin at paminta.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang mirin, sesame oil at soy sauce.
3. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang manok at ang ginawang marinade mix. Alug-alugin at hayaan ng mga 30 minuto o higit pa. Overnight mas mainam.
4. I-steam ito kasama ang marinade mix sa loob ng 30 hanggang 45 na minuto o hanggang sa maluto.
5. For the dipping sauce, paghaluin lang ang nasi na dami ng katas ng pinag-steam-an at lagyan ng chili garlic sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
-->
Comments
Well it's an honor na ma-meet ko din kayo in person. I hope soon.
Ano nga pala pangalan mo?
Regards
Dennis
Thanks