STEAMED CHICKEN in GINGER, MIRIN and SESAME OIL


May ilang steamed chicken recipes na din ako sa archive at marami sa mga ito ay nilagyan ko ng mga herbs and spices.   This time, mga sauces naman ang ginamit ko para magpa-angat pa sa flavor ng manok.  Gusto ko kasi ay huwag masyadong ma-over-power ng herbs yung lasa ng manok.

Nito ko lang na-discover ang pag-gamit ng mga Chinese at Japanese sauces and oils.   Masarap nga ito at nagbibigay ng kakaibang lasa ang mga lutuin.   Kaya ito ang naisip kong gamitin dito sa steamed chicken na niluto ko.   Para din lang siyang Hainanese Chicken.   Try nyo din po.


STEAMED CHICKEN in GINGER, MIRIN and SESAME OIL

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into half)
2 tbsp. grated Ginger
4 tbsp. Mirin
1 tbsp. Sesame Oil
3 tbsp. Sashimi  Soy Sauce or ordinary Soy sauce
Salt and pepper to taste
Chili Garlic Sauce

Paraan ng pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang manok at kiskisan sa paligid at kaloob-looban ng manok ang pinaghalong grated ginger, asin at paminta.  
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang  mirin, sesame oil at soy sauce.
3.   Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang manok at ang ginawang marinade mix.  Alug-alugin at hayaan ng mga 30 minuto o higit pa.   Overnight mas mainam.
4.   I-steam ito kasama ang marinade mix sa loob ng 30 hanggang 45 na minuto o hanggang sa maluto.
5.  For the dipping sauce, paghaluin lang ang nasi na dami ng katas ng pinag-steam-an at lagyan ng chili garlic sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!



-->



Comments

Anonymous said…
thank you for all your wonderful recipes,nkakamiss ang pinas..hope to c u and ur family in person when i go home to pinas.God bless
Dennis said…
Thanks Anonymous...pakilala ka naman :)

Well it's an honor na ma-meet ko din kayo in person. I hope soon.

Anonymous said…
very helpful po tong blog nyo. dahil dito little by little natututo ang misis ko na magluto. more power...
Dennis said…
Salamat naman at nakatulong pala kahit papaano itong ginagawa ko. I hope ma-share mo din ito among your relatives and friends.

Ano nga pala pangalan mo?

Regards

Dennis
Anonymous said…
hi, dapat ba sa pag i-steam eh ung marinade lng gamitim or dapat me kasama na tubig? pasencia na kung hirap ko intindihin...nag aaral pa lng ako magluto. salamat!
Dennis said…
Yung manok ipapatong mo sa isang plato o stainless na platter o heat ptoof na lalagyan kasama yung marinade mix at saka mo ito i-steam sa kumukulong tubig. Pasensya na din kung hindi ganun ka-clear yung instructions.

Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy