ARAW NG KAGITINGAN, MABUBUTING KAIBIGAN at MASASARAP na PAGKAIN

Ang April 9 ay ang araw kung saan ginugunita ng buong Pilipinas ang Araw ng Kagitingan.   Ito ang araw kung saan nagsimula ang Martsa ng Kamatayan o Death March kung saan may 60-80,000 ang kasama at may 2,500 hanggang 10,000 naman ang namatay bago makarating sa Camp O-Donnell.   Inilalarawan din dito ang kagitingan ng ating mga kababayan na hindi sumuko hanggang kamatayan. 

Sa araw ding ito naman ay ipinagdiriwang ng aking kaibigan na si Franny ang kanyang kaarawan.   Last year, hindi siya nakapaghanda komo natapat na Mahal na Araw ang petsang yun.

Kami-kami lang din na magkakaibigan ang bisita niya.   Kaming mga magkakaibigan na magkakaksama pa sa nirerentahang apartment sa Baclaran way back 1990's pa.   Yung dalawa nasa Amerika na at ang isa naman ay nasa Australia.   4 na lang kaming nandito sa Pinas.   Hehehehe.   Kaya naman basta may pagkakataon na ganito ay pumupunta talaga kami para magkita-kita.

Maaga kami ng asawa kong si Jolly na pumunta para makapag-kwentuhan din ng mahaba-haba.  Tumulong na din akong magluto ng hipon na kanilang inihanda.   hehehe.

Maraming pagkain ang inihanda ng may birthday.   Yung iba ay ipinaluto niya sa Original na Dampa sa Sucat Road.


May spaghetti syempre birthday eh....hehehe

May inihaw na liempo...


May Chicken Cordon Bleu na ginaya ng asawa ng may birthday na si Mareng Shiela sa blog na ito.

Inihaw na tuna belly...

Lumpiang Shanghai...
Calamares...
Hinalabos na hipon sa Sprite, bawang at margarine.   Ito ang dish na ako ang nagluto.  hehehe


May pork caldereta din na nagustuhan ko talaga.

May Cake, leche plan at gelatin naman para dessert.


Ito naman ang cake na dala namin para sa may birthday.   Choco Overload from Contis.


Syempre hindi mawawala ang inom.  Sa tagal ba naman na hindi kami nagkita-kita....hehehehe

Sabay din syempre ang aming mga asawa...hehehehe.  Lasing na ata aawa ko?    hehehehe

Late na kami naka-uwi ng araw na iyon.  Mga 10:30pm na ata yun?   Pero baon namin ang sarap ng samahaman na hindi namin malilimutan hanggang sa aming pagtanda.

Hanggang sa muli naming pagkikita......


Comments

Anonymous said…
Sir, baka may recipe ka naman ng shrimps or prawns na luto Dampa-style. Sarap nun eh! Thank you....Mommy Marie
Dennis said…
Please click this link http://mgalutonidennis.blogspot.com/2009/04/prawns-in-chili-garlic-and-oyster-sauce.html ....I think ito ang pinaka-malapit sa recipe na yun.

Thanks Mommy marie
Anonymous said…
wow sarap naman ng handaan sir...
Anonymous said…
wow ang sarap ng hipon! hanapin ko recipe nyan dito!
Dennis said…
Sinabi mo...hehehehe...kinalimutan ko muna sandali ang diet ko...hahahaha
Dennis said…
Naka-post na Cecil....madali lang ito...walang ka-effort-effort na gawin.....hehehehe
gen said…
hello po..
ang ganda po nung pagka gawa sa chicken cordon blue!! :D pano po ma perfect ng ganun? and yung recipe nyo narin po.. :) gawa nyo po yun?
Dennis said…
Hindi ako ang gumawa nun pero ginaya niya sa recipe na nagawa ko na dito sa blog. Eto yung link ng pinagkopyahan niya
http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/09/chicken-cordon-bleu.html

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy