BAKED TAHONG with SPINACH, ONION and TOMATOES
Matagal-tagal na ding hindi ako nakaka-kain ng baked tahong. Ang sarap pa naman nito lalo na kung mataba ang laman ng tahong. Kaya naman nang makita ko ang matatabang tinda ng tahong sa may Farmers market sa Cubao, hindi ako nagdalawang isip na bumili kahit isang kilo lang para i-bake nga.
Sa version kong ito, nilagyan ko lang ito ng spinach, tomatoes, onions at cheese syempre. First time kong gumamit ng spinach dito at laking gulat ko na masarap pala ito sa ganitong dish. Ang maganda pa sa dish na ito, pwede mo itong lutuin sa oven, turbo broiler, oven toaster o kahit sa microwave oven. Ang importante lang kasi dito ay matunaw ang cheese na inilahok. Pwede din pala itong i-ihaw sa baga na parang barbeque.....hehehe
Try nyo po.....masarap talaga. :)
BAKED TAHONG with SPINACH, ONION and TOMATOES
Mga Sangkap:
1 kilo large size Tahong
Fresh Spinach Leaves (chopped)
Tomatoes (cut into small pieces)
White Onion (chopped)
Quick Melt Cheese (grated)
Olive Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang tahong. Magpakulo ng tubig at lagyan ng asin.
2. Kung kumukulo na, ilagay ang tahong at hintaying bumuka ang bawat isa nito. Hanguin sa isang lalagyan ang mga tahong na bumuka.
3. Sa isang bowl, paghaluin ang mga hiniwang spinach, kamatis, sibuyas, cheese at oilive oil. Timplahan na din ng asin at paminta. Haluin mabuti.
4. Alisin ang kalhati ng shell ng tahong na walang laman.
5. Bawat isang piraso ng tahong, lagyan ng nais na dami ng ginawang palaman.
6. Maaring lutuin ito sa oven, turbo broiler, oven toaster or sa microwave oven hanggang sa mag-melt lang ang cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments