BINYAGANG LEA NAOMI
Si Lea Naomi ay apo ng aking asawang si Jolly sa pamangkin niyang si Marissa. Nag-balikbayan sila from Paris, France para dito makauwi at mapabinyagan na din ang bata. Bale isa ang aking asawa si Jolly na naging abala sa paghahanda ng binyagan komo 3 weeks lang ang bakasyon nila dito sa Pilipinas.
Pasko ng Pagkabuhay naganap ang binyaga (March 31, 2013). Bale may ni-rent ng venue at ang mga pagkain din ay ipi-cater.
Puro mga kamag-anak lang din ang invited sa okasyong ito. Kung baga, parang reunion na din ng buong pamilya.
Ang naging papel ko lang sa binyagang ito ay ang mag-suggest sa mga pagkain na ipapahanda sa caterer. Syempre may mga veggie salad at assorted fruits para starter.
May camaron rebusado.
Relyenong alimasag na nagustuhan ko talaga ang pagkaluto at timpla.
Beef caldereta na hindi ko man natikman ay mukhang masarap naman kahit sa picture lang.
Mayroon ding squid rings o calamares.
Chicken cordon bleu
Ihinihaw na liempo
Lumpiang ubod at fettucini sa may badang dulo.
Ang ganda din ng cake na nagpamangha sa mga bisita. Yun lang styro lang pala yung second at third layer. Yung pibaka-base lang ang tinapay. Pero masarap ha.
May mga cup cakes din na pinagkaguluhan ng mga bisita at nagsilbi na ding dessert ng marami.
Tuwang-tuwa ang mga magulang ng bininyagan na sina Marissa at Jacque. Sabi nila kung sa France daw ito ginanap sa ganuong ganda ng ayos at dami ng handa, ay hindi lang ganun ang magagastos nila. Kung baga, sulit na sulit daw ang kanilang ginastos sa lahat ng nangyari.
Dalangin ko na hindi lamang sa binyagan naging magaganda ang pangyayari sa buhay ni Lea Naomi, kundi hanggang sa kanyang paglaki. Makabalik sana muli sila ng Pilipinas para makita ang kanyang mga naging ninong at ninang at kaming mga kapamilya niya.
Amen.
Comments