BRAISED PORKCHOPS ala ASADO

Sobrang init talaga ng panahon dito sa Pilipinas at ayon sa PAGASA tatagal pa ito hanggang sa buwang ng mayo.  WOW!   Parang ayaw ko nang umalis ng opisina dagil aircon dito...hehehehe. Joke only.  Hehehehe

Sa totoo lang, kapag ganito kainit ang panahon, nakakatamad magluto o magbabad sa kusina.   Kaya lang, ano naman ang kakainin namin?   Puro pa-deliver o kaya naman ay bumili sa mga carinderia?

May solusyon naman.   Bakit hindi tayo magluto ng pangulam na hindi naman kailangan na nakabantay ka sa kalan ng niluluto mo.   Kagaya nitong dish na ito for today.   Walang ka-effort-effort.   Just put everything sa isang kaserola at yun na...hintayin na lang na maluto ang karne.  O di ba?  


BRAISED PORKCHOPS ala ASADO

Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops
2 pcs. Star Anise
1 pc. Cinamon bark
3 tbsp. Oyster Sauce
3 tbsp. Soy Sauce
1/2 cup Brown Sugar
1 tsp. Sesame oil
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
Salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola, ilagay sa bottom ang bawang, sibuyas, star anise at cinamon bark.
2.  Sunod na ilagay ang mga porkchops at ang lahat ng natitira pang sangkap.   Lagyan din ng 1 tasang tubig.
3.  Takpan at hayaang maluto ang karne hanggang sa lumambot at maluto.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.  Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
hi sir dennis,wla po kmai sesame oil,can i use olive oil instead?? ..and ano po yong star anise?????hndi po ako familiar..wla din ako ata nkikita dito yon,ano po alternative sa star anise???????thank u sis.GOD bless
Dennis said…
Hindi pwede ang olive oil sa dish na ito. Ang sesame oil ang nagbibigay ng asian flavor pati na din yung star anise. Walang alternative sa sesame oil at star anise. Kung nasa abroad ka, marami nito sa mga asian store. I-try mo.

Thanks again Myhoneybunch

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy