CREAM DORY with WHITE BASIL SAUCE
Naging tradisyon na nating mga Pilipinong Katoliko na mangilin sa pagkain ng karne sa araw ng Biyernes Santo. Sa buong taon, dalawang araw lang (Miyerkules de Abo at Niyernes Santo) naman mahigpit pinapagawa ito sa atin. Kaya naman kami ginagampanan namin ito bilang isang maliit na sakripisyo sa paggunita ng mga Mahal na Araw.
Ito ang ni-request ng asawa kong si Jolly para sa aming tanghalian nitong nakaraang Biyernes Santo. Nang araw ding yun ay inimbitahan namin ang kanyang pamangkin at asawa na galing France para sa isang simpleng tanghalian.
Nagustuhan naman ng bisita ang fish fillet. Pati yung ginisang munggo na may sotanghon ay nagustuhan din niya. Sinabi ko dun sa bisita na talaga kapag Biyernes Santo ay nangingilin kami sa pagkain ng karne at naintindihan naman niya.
CREAM DORY with WHITE BASIL SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory Fillet (cut into desired sizes)
1 pc. Egg (beaten )
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
1 pc. Lemon
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Cooking oil for frying
For the Sauce:
2 tbsp. Butter
1 cup Fresh Basil leaves (finely chopped)
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Evaporated Milk
1 head Minced Garlic
1 medium size Onion (finely chopped)
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade sa katas at grated na balat ng lemon, paminta at maggie magic sarap ang cream dory fillet. Hayaan ng overnight.
2. Ihalo ang cornstarch at binating itlog sa minarinade na fillet.
3. I-roll ang bawat piraso ng fish fillet sa harina at saka i-prito ng lubog sa mantika. Hayaang maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
4. For the Sauce: I-prito ang bawang sa butter hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Igisa ang sibuyas at isunod na din agad ang chopped basil leaves.
6. Ilagay na din ang evaporated milk, all purpose cream at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain ang fish fillet kasama ang ginawang sauce. Pwede ding ilagay na ang sauce sa ibabaw at budburan ng toasted garlic.
Enjoy!!!!

Comments
marinade - yung sauce na pinabababaran