MEGAWORLD SUMMER OUTING @ THE ENCHANTED KINGDOM 2013


Last week April 12, 2013, ginanap ang summer outing ng kumpanyang aking pinapasukan ang Megaworld Corporation sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.

Pangatlong beses ko pa lang makapunta dito pero masasabi kong ito ang the best.   Yung last na visit kasi namin ng pamilya ko hindi namin ito masyadong na-enjoy dahil sa dami ng tao.   This time hindi ganun karami ang tao at talaga namang na-enjoy namin ang mga rides.


Maaga pa lang ay nandoon na kami.  2pm kasi ang bukas nito sa public.   Para di mainip, picture-picture lang muna with my officemates.

Sa pila pa lang ay pinlano na namin ng officemate ko at kumpareng si Pareng Darwin ang aming strategy para ma-maximize namin ang oras namin.   Baka kasi kako dumami ang tao at mahirapan na kami sa pagpila.

Pag-pasok pa lang namin, inuna na namin itong Disco Magic ride (picture sa itaas.).   Ito ata ang pinaka-bagong attraction ng EK at kahit may konting takot ako ay inuna namin itong sinakyan.

Grabe!   Parang kang pinagbabalibagan sa ere ng paikot-ikot pa.  hehehehe.   pero enjoy ako sa ride na ito.   Naka-3 ulit nga ako dito eh.   hehehehe

Sinunod namin ang space shuttle.   Although, pang-ilang beses ko na rin itong nasakyan, may takot pa rin akong naramdaman...hehehehe.   Pero ganun pa man, 2 beses ako sumakay dito.   hehehehe

Sinakyan din namin itong Extreme Tower.   Ito ang ride na kung saan itataas kayo ng pagtaas-taas at saka biglang bibitawan.   Ahhhh!!!!   Parang humiwalay ang kaluluwa ko nung bumaba na....hehehehe.

Dahil sa init ng panahon ng mga oras na yun, nagpalamig muna kami sa Ice Monster at um-order ako nitong Mango split nila.   3 scoop of vanilla ice cream at nilagyan ng hinwang hinog na mangga at nilagyan ng chocolate syrup.   Masarap naman.   Nakakapawi ng init at pagod.    hehehehe


Syempre bago dumilim sinakyan naman namin itong giant ferris wheel na ito.   Nakakatakot kasi wala man lang seat belt at ang lakas ng hangin sa taas.  Nakakatuwa dahil kita mo ang buong paligid at nakita din namin ang paglubog ng araw.

Marami pa kaming rides na sinakyan.   Log jam ba yun?   Yung nakasakay ka sa parang bangka na log tapos bubulusok ka mula sa taas pababa.  Yun lang basa ka pagkatapos nito.   hehehehe

Sumakay din kami sa bump car, anchors away at Rio Grande rapids.   Enjoy din ako dito kaso basang-basa kami ng bumaba dito.  hehehehe

Last na pinasok namin ay ang Realto.  Sinehan ito na nagpapalabas ng 3D na Movie na maigsi lang.   HIndi ko masyadong na-enjoy ito.   Ewan ko.  May problem ata yung 3D glasses na binigay nila sa amin.

Tinapos namin ang gabi sa isang masarap na dinner sa isang retaurant doon.   Nakalimutan ko yung name ng resto.   Itong Roast Chicken ang napili kong bilhin.   Medyo dry yung chicken pero winner yung gravy nila.   Buti na lang at nag-bigay sila ng extra nito.   Yummy!

Umalis kami sa lugar mga 8:30 na rin ng gabi.  Pagod pero enjoy naman sa maghapong pangyayari.   Okay din pala yung minsang kagaya nito na ako lang at ginagawa ko ang gusto ko na walang inaalala na iba?   hehehehe.    Well paminsan-minsan lang naman ito.

At kagaya ng nakalagay sa gate palabas ng EK, "The Magic Stays With You", yun ang naging baon ko nang ako ay papauwi na.  I hope makapunta ulit kami ng aking pamilya sa lugar na ito.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy