PAKSIW na PATA na may MIRIN
Isa pang easy to cook na ulam ay itong paksiw na pata. Tamang-tama dahil sa init ba naman ng panahon at walang sino man ang magti-tyagang mag-stay sa kitchen na matagal. Ang inam ng dish na ito, pagsama-samahin mo lang ang lahat ng mga sangkap at hayaan na lang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Ang huling gagawin lang ay tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa nito.
Second, may ilang paksiw na pata version na rin ako sa archive. In this version, nag-experiment ako na lagyan ito ng mirin (japanese rice wine) kung ano ang magiging lasa. Alam ko naman na mas lalo itong sasarap dahil sa flavor na mayroon ang mirin. At yun nga, masarap ang kinalabasan ng new version kong ito ng paksiw na pata. Try nyo din.
PAKSIW na PATA na may MIRIN
Mga Sangkap:
1 pc. Pata ng Baboy (sliced)
3 tbsp. Mirin
1 cup Cane Vinegar
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
Bulaklak ng Saging (dried)
1 tsp. Whole Pepper Corn
2 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola pagsamasamahin lang ang lahat ng sangkap at isalang sa kalan.
2. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na ang karne, tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
The best na kainin ito kinabukasan pa. Try it.
Enjoy!!!

Comments