PORK ADOBO with STRING BEANS
Isa sa mga dish na una kong natutunang lutuin ay itong Pork Adobo. Bakit naman hindi? Walang ka-effort-effort kasi itong lutuin. Kung baga, ilagay mo lang ang lahat ng sangkap sa lutuan at hayaan lang na maluto hanggang sa lumambot ang karne. At sino ba namang pinoy ang hindi marunong magluto ng adobo? Siguro ay wala....hehehehe.
Ako siguro kahit ano pa ang i-adobo ay gusto ko. Baboy, manok, baka, gulay..kahit ano. Gusto ko kasi yung alat at asim at kung minsan ay may tamis din ang adobo natin. Di ba nga parang ito ang pambansang ulam nating mga Pilipino? Hehehehehe.
Basta adobo... sigurado...ubos ang kanin nyo. Hehehehe
PORK ADOBO with STRING BEANS
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1 tali String Beans o Sitaw (cut into 2 inches long)
1 cup Cane Vinegar
3/4 cup Soy Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 head Minced Garlic
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng konting asin at paminta ang karne ng baboy.
2. Sa isang non-stick na kaserola, i-brown ng bahagya ang mga karne sa kautning mantika.
3. Ilagay na ang bawang, suka, toyo, brown sugar at paminta. Lagyan din ng kaunting tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang sitaw at takpan muli hanggang sa maluto ito.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Salamat sa patuloy na suporta.
Dennis