ROASTED CHICKEN with CURRY and MILK

Paborito ng aking pamilya ang roasted chicken o turbo broiled chicken.   Kaya naman basta may espesyal na okasyon o kahit ordinaryong kainan, hindi nawawala ito sa aming hapag.   Di ba nga ipinangalan ko pa ang aking recipe sa aking bunsong anak na si Anton, ang Anton's Chicken?

Marami-rami na din akong version o flavor sa roasted chicken.   Kung gusto nyong i-check punta lang kayo sa archive at i-select ang may label na chicken.   Dagdag na itong entry natin for today.   This time, minarinate ko ito sa gatas (evap), curry powder.   At gamit ang pinagbabaran ay ginawa ko naman itong sauce.  

Masarap naman at kaiba sa mga pangkaraniwang lechong manok o rasted chicken na nakakakain natin.  Best talaga kung kakainin naitn ito ng bagong luto lang.   Try nyo din po.


ROASTED CHICKEN with CURRY and MILK

Mga Sangkap:
4 pcs. Chicken Legs & Thigh
1 tsp. Curry Powder
1 cup Evaporated milk
1/2 cup Chopped Lemon Grass o Tanglad (white portion only)
1 tbsp. grated Ginger
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin at paminta ang lahat ng piraso ng manok.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang tanglad, grated ginger, minced garlic, evaporated milk at curry powder.   Haluin mabuti.
3.   Sa isang plastic bag, pagsamahin ang manok at ang marinade mix.  Hayaan ng isang oras o overnight.
4.   Balutin sa aluminum foil ang mga manok bago isalang sa oven o turbo broiler.  Lutuin ito sa 200 to 300 degrees sa unang 30 minuto.
5.   After ng 30 minutes, alisin sa aluminum foil at lutuin muli hanggang sa pumula ang balat nito.
6.  For the sauce:  Ilagay sa sauce pan ang pinagbababaran ng manok.   Lagyan pa ng mga 1/2 cup na evaporated milk at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
hi sir dennis,wat f wala kmi turbo broiler..can i use oven instead? or grill?????..and mahirap po mg hanap dito ng tanglad..need kopa punta sa asian market..mg drive pa 3 hrs..any alternative po sa tanglad???????????/..ty so much.GOD bless
Dennis said…
Thanks Myhoneybunch (ang cute naman ng nick mo...hehehe). Yes pwede naman sa oven o i-grill. But again, dapat naka-balot muna sa foil habang niluluto in the 1st 30 minutes. Madali kasiitong masunog because of the milk. Tanglad? Pwedeng lagyan mo na lang ng katas ng lemon.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy