SUMMER 2013 @ ANILAO BATANGAS



Last April 6, 2013, nagkayayaan na mag-outing ang mga pamilya sa side ng aking asawang si Jolly.   Bale ang pamilya Briones, Intalan, Santos at kami nga Glorioso.

Dapat sana sa isang swmming pool na resort kami pupunta, kaso ayaw ng host (Lita) na gabi at mas gusto niya ang beach resort o dagat.   Maging ang aking biyenan ay beach din ang gusto.   Kaya ang nangyari, sa Anilao sa Batangas kami nagawi.


Sa Aguila beach Resort kami napunta after ng ilang tingin ng resort sa area na yun.   Mura lang naman sa beach resort na ito.   Babayaran mo lang yung mga cottages o cabana at wala nang entrance fee per person.   Yun lang may limit ang bawat cottages na kukuhanin.   Ibig sabihin kung good for 20 person lang yung cottages at 30 person kayo, kailangan mong kumuha pa ng isa para dun sa 10.   Wise di ba?   hehehe

Pagdating pa lang namin sa cabana o cottage namin, inihanda muna namin ang mga pagkain na aming kakainin komo tanghali na noong nakarating kami sa lugar.   Kami ng bilas kong si Kuya Danny ang nag-ihaw ng liempo na pang-ulam at hotdogs na din para naman sa mga kids.


Marami kaming pagkaing pinagsaluhan.   May inihaw na liempo nga, inihaw na pusit, sinigang na hipon, adobong manok, itlog na maalat na may kamatis, salad na pahutan, inihaw na hotdog at maraming pang kung ano-ano.   hehehehe.

Pagkatapos kumain ay nagkatuwaan na ang lahat na maligo na sa dagat kahit pa katirikan ng araw.

Nag-rent din ng floating cottage ang aking bayaw na si Kuya Alex.   Bale yung cottage ay dinadala sa gitna ng dagat malayo-layo din sa pampang at doon ka na mag-re-relax.   Pwede ka din na dun na kumain at kahit na mag-ihaw-ihaw.

Enjoy ang lahat at ang sarap talaga ng preskong hangin ng dagat.

Lahat ay masaya at busog sa mga oras na yun.

At bago kami umalis sa lugar ay nag-picture-picture muna para souvenir namin sa lugar na yun.

Bago mag-6 ng gabi ay nilisan na namin ang lugar baon ang masasayang sandali at masasarap na pagkain na aming pinagsaluhan.

Sana next year ay magkaroon pang muli kami ng pagkakataon na magkasama-sama sa mga kagaya nitong okasyon.

Till next year summer outing ng pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy