TUNA FLAKES with SPINACH, TOMATOES, ONION and CHEESE
Remember nung nagluto ako ng baked tahong na may spinach? Pansin nyo din ba na wala akong sukat na inilagay para sa mga sangkap? Depende kasi yun sa dami ng tahong na lulutuin. Kaya ang nangyari nun, may natira na spinach mix na mga 1 cup din siguro ang dami.
Bukod pa sa spinach mix na yun, may tira-tira ding ginisang canned tuna na ulam namin ng nakaraang araw. Dun ko naisipan na bakit hindi ko ito pagsamahin at initin para naman di masayang. At laking gulat ko sa kinalabasan. Masarap ito at pwedeng pangulam sa tinapay o kahit sa kanin man.
In this recipe, gagawin ko siyang hindi mula sa tira-tira para masundan ninyo ng ayos. Although, mga estimate lang ang gagawin ko sa mga sukat ng mga sangkap, pero halos ganito na din ang kakalabasan nito. I-try nyo po.
TUNA FLAKES with SPINACH, TOMATOES, ONION and CHEESE
Mga Sangkap:
1 can Tuna Fillet in Water (i-drain yung sabaw)
3 pcs. Tomatoes (cut into small cubes)
2 cups Fresh Spinach Leaves (chopped)
1 medium size White Onion (chopped)
1 cup grated Cheese
Salt and pepper to taste
Butter or margarine
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin lamang ang lahat ng sangkap maliban sa butter o margarine.
2. Lagyan ng butter o margarine ang bottom at paligid ng ramekins o yung mga heat proof na cups.
3. Lagyan ito ng nais na dami ng tuna spinach mixture na ginawa.
4. Isalang ito sa oven, turbo broiler, microwave oven o kahit na oven toaster hanggang sa maluto at mautnaw ang cheese.
Ihain ng medyo mainit-init pa.
Enjoy!!!!

Comments