LIEMPO ala BISTEK
Bistek ang tagalog version natin ng Beef Steak. Karne ng baka ito na hiniwa ng maninipis at niluto sa toyo, katas ng calamansi at sibuyas. Masarap itong pang-ulam at paborito ito sa mga karenderya ng marami.
Hindi lang naman karneng baka ang pwedeng gawing bistek. Pwede din ito sa karne ng baboy o anumang karne. Sa bangus nga nasubukan ko na din na magluto nito.
This time, sa pork liempo ko naman ito ginawa. Nilagyan ko ng konting twist ang pamamaraan ng pagluluto para lalo pa itong mapasarap. At hindi naman ako nagkamali. Masarap at malasa ang kinalabasan ng aking niluto. At ano yung twist na ginawa ko? Di ba pangkaraniwan, basta na lang natin pinagsasama-sama ang lahat ng mga sangkap at saka lang natin ito pinapakuluan hanggang sa lumambot at maluto. This time, pinirito ko muna ng bahagya ang karne at saka ko niluto sa toyo. Huli ko inilagay ang katas ng calamansi para hindi mawala ang masarap na flavor nito.
LIEMPO ala BISTEK
Mga Sangkap:
1 kilo Country Style Pork Belly or Liempo (cut into 2 inches long)
10 pcs. Calamansi
3/4 cup Soy Sauce
2 pcs. large size White Onion (cut into rings)
1 head minced Garlic
1/2 tsp. ground Black Pepper
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt to taste
Spring Onion or Leeks for garnish
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang hiniwang karne ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang liempo hanggang sa mag-brown lang ng bahagya ang magkabilang side.
3. Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang mga onion rings ng bahagya sa kaunting mantika at hanguin sa isang lalagyan.
4. Sunod na igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay nito.
5. Ilagay na ang na-pritong liempo at isama na din ang toyo. Lagyan ng 1 tasang tubig at takpan. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
6. Kung malambot na ang karne, ilagay ang katas ng calamansi at timplahan ng paminta at maggie magic sarap. Hayaang kumulo pa ng mga 5 minuto.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang nilutong onion rings sa ibabaw.
Enjoy!!!
Comments