PANCIT PALABOK

Uunahan ko na na ang picture sa itaas ay hindi ang actual na pancit palabok na niluto ko nitong nakaraang Sabado kung saan kami ay nag-sponsor sa Alayan sa lugar ng asawa kong si Jolly.   Ang Ate Mary Ann ko ang nagluto nun at yung sa akin naman ay itong nasa ibaba na picture.   Hindi maganda ang pagka-kuha dahil ng matapos ang padasal ay talaga namang excited ang lahat na maka-kain.   Hehehehe.



Pancit Palabok ang naisip ko na ihanda komo alam kong napaka-espesyal sa kanila ng noodle dish na ito.   Simpleng mga sangkap lang ang ginamit ko para kako madaling masundan ng mga sumusubaybay sa blog kong ito.   Pero wag ka, nagustuhan ng lahat ang pancit na aking niluto.   Nakakatuwa naman at nawala ang pagod ko sa mga positibo na comment.   Salamat din sa kanila.


PANCIT PALABOK

Mga Sangkap:
1 kilo Bihon na pang-palabok
1/2 kilo Pork Giniling
10 slices Loaf Bread (himayin o hiwain ng maliliit at ibabad sa tubig))
1/2 cup Cornstarch
300 grams Tinapa (himayin at alisin ang tinik)
1 pack Chicharon Baboy (durugin)
4 pcs. Knorr Shrimp Cubes
10 pcs. Hard Boiled Eggs
1/2 cup Achuete Oil
1/2 cup Chopped Kinchay
2 heads Minced Garlic
2 pcs. Large Onion (chopped)
1/2 cup Cooking Oil
1 tsp. ground Black Pepper
Patis to taste
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Ibabad ang bihon sa tubig bago ilubog sa kumukulong tubig.
2.   Sa isang kawali i-prito ang hinimay na tinapa hanggang sa matusta ng bahagya.
3.   Sa isang talyasi o malaking kawali, I-prito ang bawang sa mantika hanggang sa pumula.  Hanguin sqa isang lalagyan.
4.   Isunod na ang sibuyas para magisa.   Ilagay na din ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
5.  Ilagay na ang kalhati ng tinustang tinapa at kalhati ng dinurog na pork chicharon.   Ilagay na din ang binabad sa tubig na hinimay na loaf bread, shrimp cubes at achuete oil.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch.   Timplaha na din ng patis.   Halu-haluin.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Magpakulo ng tubig sa isang kaserola at kapag kumulo na, ilagay na ang binabad na bihon o rice noodles.   Hayaang maluto at saka i-drain.
8.   Ihalo ang nilutong rice noodles sa ginawang palabok sauce.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
9.   Hanguin sa isang bilao na may dahon ng saging o sa isang lalagyan.
10.   Ibudbod sa ibabaw ang natira pang tinapa at chicharong baboy.   Ilagay din ang hiniwang nilagang itlog, chopped na kinchay at ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa at may kasamang calamansi sa side.

Enjoy!!!


Comments

Anonymous said…
Ang sarap!!! :-)
Dennis said…
Madali lang di ba? Try mo din......Salamat po - Dennis
Anonymous said…
Hi Dennis, nakakatuwa naman ang mga recipes mo. Talagang down to earth ang mga ingredients at madaling hanapin. Matagal na rin akong naghahanap ng palabok recipe na kagaya ng niluluto ng Lola Rosa ko noong araw. Iba yata talaga ang style natin sa Bocaue sa pagluluto ng sauce nito. Sayang nga lang at bihira na rin ang nakaka- alam ng mga original na luto ng ating mga ninuno. One of these days, pag umuwi ulit ako sa Pinas sana ay ma-meet ko kayo ng pamilya mo.
Dennis said…
Taga-Bocaue po pala kayo...pakilala naman po kayo para ma-address ko po kayo sa pangalan.

Ang aking namayapang Inang Lina kung saan ako natutong magluto, nilalagyan niya ng utak ng baboy ang clado ng palabok niya. Mas masarap at malasa ang sauce kapag mayroon nito. Hindi ko lang ginagawa kasi baka pag nalaman ng kakain na may ganun ay hindi na kainin...hehehehe.

Salamat po sa patuloy nyong pagbisita sa food blog kong ito. Sana nga po ay magkita tayo pag-uwi nyo dito sa Pinas.

Regards,

Dennis
Anonymous said…
Wow! I will try this. Eto ung pinakamadaling style ng pagluluto ng palabok na nakita ko. Para maishare ko din po dito sa ibang bansa ang mga masasarap nating dishes. Sadyang masarap talagang magluto ang mga tagalog, kagaya ng aking Lola Margarita mahilig magluto. Taga Bocaue din po sya. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong mga kahanga-hangang recipes.

God Bless po.

Mei
Dennis said…
Salamat Mei....the key in this dish is really in the sauce. So wag kalimutan ang tinapa, patis at kung maaari ay fresh na hipon ang gamitin. Tadtarin lang yung ulo hanggang sa maging paste at yun ang gamitin sa halip na shrimp cubes. mas masarap ang kakalabasan ng iyong caldo o plalabok sauce.

Thanks again and please continue supporting this blog by clicking the ADS on the side and bottom of every page.

Regards,


Dennis
Unknown said…
hello Chef Dennis,

nakafavorites na sa tab ko ang site mo. Magbibirthday na kasi ang anak ko, gusto ko sana iluto ang post mo, kaya lang hindi ako maalam magtantsa ng ingredients, ang isang kilo ba ay pwede na sa 1st bday party? approximately 50 guests po.
Dennis said…
Hi April....I think kulang ang 1 kilo lang na bihon for 50 guest. Gawin mong 2 kilos na and just double the other ingredients. for sure magugustuhan ng guest mo ang palabok na ito. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy