PANCIT PALABOK
Uunahan ko na na ang picture sa itaas ay hindi ang actual na pancit palabok na niluto ko nitong nakaraang Sabado kung saan kami ay nag-sponsor sa Alayan sa lugar ng asawa kong si Jolly. Ang Ate Mary Ann ko ang nagluto nun at yung sa akin naman ay itong nasa ibaba na picture. Hindi maganda ang pagka-kuha dahil ng matapos ang padasal ay talaga namang excited ang lahat na maka-kain. Hehehehe.
Pancit Palabok ang naisip ko na ihanda komo alam kong napaka-espesyal sa kanila ng noodle dish na ito. Simpleng mga sangkap lang ang ginamit ko para kako madaling masundan ng mga sumusubaybay sa blog kong ito. Pero wag ka, nagustuhan ng lahat ang pancit na aking niluto. Nakakatuwa naman at nawala ang pagod ko sa mga positibo na comment. Salamat din sa kanila.
PANCIT PALABOK
Mga Sangkap:
1 kilo Bihon na pang-palabok
1/2 kilo Pork Giniling
10 slices Loaf Bread (himayin o hiwain ng maliliit at ibabad sa tubig))
1/2 cup Cornstarch
300 grams Tinapa (himayin at alisin ang tinik)
1 pack Chicharon Baboy (durugin)
4 pcs. Knorr Shrimp Cubes
10 pcs. Hard Boiled Eggs
1/2 cup Achuete Oil
1/2 cup Chopped Kinchay
2 heads Minced Garlic
2 pcs. Large Onion (chopped)
1/2 cup Cooking Oil
1 tsp. ground Black Pepper
Patis to taste
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang bihon sa tubig bago ilubog sa kumukulong tubig.
2. Sa isang kawali i-prito ang hinimay na tinapa hanggang sa matusta ng bahagya.
3. Sa isang talyasi o malaking kawali, I-prito ang bawang sa mantika hanggang sa pumula. Hanguin sqa isang lalagyan.
4. Isunod na ang sibuyas para magisa. Ilagay na din ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
5. Ilagay na ang kalhati ng tinustang tinapa at kalhati ng dinurog na pork chicharon. Ilagay na din ang binabad sa tubig na hinimay na loaf bread, shrimp cubes at achuete oil. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch. Timplaha na din ng patis. Halu-haluin.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Magpakulo ng tubig sa isang kaserola at kapag kumulo na, ilagay na ang binabad na bihon o rice noodles. Hayaang maluto at saka i-drain.
8. Ihalo ang nilutong rice noodles sa ginawang palabok sauce. Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
9. Hanguin sa isang bilao na may dahon ng saging o sa isang lalagyan.
10. Ibudbod sa ibabaw ang natira pang tinapa at chicharong baboy. Ilagay din ang hiniwang nilagang itlog, chopped na kinchay at ang piniritong bawang.
Ihain habang mainit pa at may kasamang calamansi sa side.
Enjoy!!!

Comments
Ang aking namayapang Inang Lina kung saan ako natutong magluto, nilalagyan niya ng utak ng baboy ang clado ng palabok niya. Mas masarap at malasa ang sauce kapag mayroon nito. Hindi ko lang ginagawa kasi baka pag nalaman ng kakain na may ganun ay hindi na kainin...hehehehe.
Salamat po sa patuloy nyong pagbisita sa food blog kong ito. Sana nga po ay magkita tayo pag-uwi nyo dito sa Pinas.
Regards,
Dennis
God Bless po.
Mei
Thanks again and please continue supporting this blog by clicking the ADS on the side and bottom of every page.
Regards,
Dennis
nakafavorites na sa tab ko ang site mo. Magbibirthday na kasi ang anak ko, gusto ko sana iluto ang post mo, kaya lang hindi ako maalam magtantsa ng ingredients, ang isang kilo ba ay pwede na sa 1st bday party? approximately 50 guests po.