PINAKBET na may GATAS


Hindi ko alam kung may gumagawa sa inyo ng ganito.  Yung naglalagay ng gatas na evap sa pinakbet sa halip na gata ng niyog?   Yup, pwede naman na gatas na evap ang ilagay.   Nakakadagdag ito ng sarap at linamnam sa lutuin nating gulay.   Kahit nga sa chopsuey mas masarap kung nilalagyan nito.

Wala naman talaga akong balak lagyan ang pinakbet na ito ng gatas, kaya lang nang makita ko yung natirang evap na ginamit namin sa champorado, naisipan kong ilagay ito para dagdag sarap nga sa gulay.   At tama nga, masarap ang gulay na naluto ko.   Subukan nyo din.


PINAKBET na may GATAS

Mga Sangkap:
Kalabasa
Sitaw
Talong
Okra
Ampalaya
Kangkong
1/2 cup Bagoong Alamang
1 cup Alaska Evap (original)
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (sliced)
Salt to taste
2 tbsp. Canola Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2.   Ilagay na ang mga gulay at ang bagoong alamang.   Lagyan din ng mga 1/2 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto ang gulay.
3.  Kung luto na ang gulay (huwag i-overcooked), ilagay na ang gatas na evap.
4.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain kasama ang paborito nyong pritong isda.

Enjoy!!!!

Ps.   Patuloy nyo po sanang subaybayan ang food blog kong ito sa pamamagitan ng pagki-click sa mga ADS sa right side at sa bottom ng bawat post.   Maraming salamat po

Dennis


Comments

Ryuuren said…
natry nyo din po ba o pwede din po ba gatas sa laing? imbis na gata?
Dennis said…
Hi Ryuuren....Di ko pa na try ang gatas sa laing...pwede din siguro nating i-try. Pero iba pa rin kasi ang gata sa laing..masarap yung medyo nagmamantika ang sauce nito.

Salamat sa pagbisita.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy