SINIGANG na MAYA-MAYA
Kung magkakaroon siguro ng pambansang ulam ang Pilipinas, isa sa mga top na pagpipilian ay itong sinigang. Bakit naman hindi? Katulad ng Adobo, marami itong variety at maging isda, manok, baboy o baka man ay pwede din isigang.
Maging sa pang-asim na ginagamit ay marami ding klase. Pangkaraniwan ang sampalok. Pwede din ang kamyas, santol, mangga, calamnsi ay ilan pa na pwedeng pang-asim dito.
Sa paraan ng pagluluto man ay nagkakaiba tayo sa pagluluto ng sinigang. Yung iba basta paghahalu-haluin lang ang lahat ng sangkap sa kumukulong tubig, pero ang iba naman ay ginigisa pa.
Ako, kapag karneng baboy o baka ang aking isisigang, hindi ko na ito ginigisa. Basta kapag lumambot na ang karne ay saka ko inilalagay ang kamatis at sibuyas. Di katulad ng manok o isda. Ginigisa ko muna ito sa luya, bawang, sibuyas at kamatis at saka kko ito pakukuluan. Sa pamamagitan ng luya, nawawala ang lansa ng isda at manok at nagiging mas masarap ang sabaw nito. Ganun ang ginawa ko sa maya-maya na ito na aking isinigang nitong nakaraang araw. Wow! panalo ang sabaw pa lang nito. Yummy!!!
SINIGANG NA MAYA-MAYA
Mga Sangkap:
1 kilo Maya-maya (kung malaki i-slice)
Sitaw
Kangkong
Okra
3 pcs. Siling pang-sigang
2 pcs. Toamtoes (slice)
1 large Onion (slice)
2 thumb size Ginger (slice)
1 sachet Sinigang Mix
2 tbsp. Cooking Oil
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Lagyan ng nais na dami ng tubig pang-sabaw at hayaang kumulo.
3. Kapag kumulo na, ilagay ang sitaw, siling pang-sigang at okra. Takpan at hayaan ng mga 3 minuto.
4. Ilagay na ang maya-maya at timplahan ng asin o patis. Hayaang maluto ang isda.
5. Sunod na ilagay ang sinigang mix. Tikman at i-adjust ang lasa ng sabaw.
6. Huling ilagay ang talbos ng kangkong at hayaan pa ng mga 2 minuto.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments