TAPUSAN, FLORES DE MAYO at SANTA KRUSAN

Siguro marami sa atin ang hindi pa rin alam kung ano-ano ang pagkakaiba nitong tapusan, flores de Mayo at Santa Krusan na nakagisnan nating kultura tuwing sumasapit ang buwan ng Mayo.  

Sa Batangas, makagisnan na ng aking asawang si Jolly ang kung tawagin nila ay Tapusan.   Pag-aalay ito ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria sa buong buwan ng Mayo.   Gabi-gabi, nagtitipon ang magkaka-barangay sa kapilya o tuklong kung tawagin  nila para mag-dasal at mag-alay nga ng bulaklak.   Bawat gabi ay may pamilya na sponsor at siya ding nagpapakain pagkatapos ng dasalan.   Sa huling araw ng Mayo o May 31, nagkakaroon ng parang fiesta at prusisyon ng mga santo.   Yung iba ay naghahanda din ng mga masasarap na pagkain sa araw na ito.
 
 Sa amin naman sa Bulacan, Flores de Mayo naman ang ginagawa.   9 na araw na nobena sa Mahal na Birhen at sa huling araw ng nobena naman ay may mag sagala o kababaihan na nasuot ng magagarang saya at pumaparada sa saliw ng mga banda o musiko.   Ang bawat sagala ay may dalang mga bulaklak na iniaalay naman pagkatapos ng prusisyon.   Sa araw ding ito ay parang fiesta.  May mga pamilya din na naghahanda ng masasarap na pagkain.

Ang Santa Krusan naman ay para din lang Flores de Mayo.   May 9 na gabi din ng nobena at pag-aalay ng bulaklak kay Maria at sa huling araw ng nobena ay ang prusisyon ng Santa Krusan.   Pero sa prusiyon na ito ay may mga titulo ang bawat sagala.   May tinatawag na Reyna Elena, Reyha delos Flores at iba pa.  Ang pinaka-huli ay ang Reyna Emperatris.  

Ang Santa Krusan ay ginagawa bilang pag-aalala sa araw kung saan natagpuan ni Reyna Elena ang piraso ng krus na pinagpakuan kay Hesus.

Kahit ano pa mang pamamaraan ng pagdiriwang, ito ay patungkol pa din sa pagpapahala natin sa Mahal na Birheng Maria.   Katulad ng pagpapahalaga natin sa ating mga Ina, marapat lang siguro na pahalagahan din natin ang Ina ng ating manunubos na si Hesus.

Amen.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy