ALOHA BURGER STEAK


Na-try nyo na ba yung Amazing Aloha Burger ng Jollibee?   Ako din hindi pa....hehehehe.   Dati na itong product ng Jollibee pero nawala for sometimes then nabalik lang mula nung ma-feature ni Anthony Bourdain sa isa niyang show.   Sa US kasi ino-offer nila ang Aloha burger na ito.

Dito ko nakuha yung idea na gumawa ng burger steak na may may pineapple.   Pine-apple chunk in can ang ginamit ko at hindi yung fresh.  Mahirap kasing makakita ng pinya na matamis sa supermarket man o palengke kay mainam na din na yung nasa lata na lang.

Masarap ang burger steak na ito.  I-try nyo para malasahan ninyo din.


ALOHA BURGER STEAK

Mga Sangkap:
For the burger:
1 kilo Lean Ground Pork or beef
2 pcs. large White Onion (chopped)
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1 pc. Egg (beaten)
1 cup Cornstarch or Flour
Salt and Pepper to taste
For the Pineapple Sauce:
2 tbsp. Butter
1 medium size can Pineapple Chunks
1/2 cup Honey Bee
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (chopped)
2 tbsp. Soy sauce
Salt ang pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluhaluin lang ang lahat ng sangkap para sa burger.   Ilagay sa fridge ng mga isang oras.
2.   Gumawa ng nais na laki ng burger at i-prito o i-ihaw sa isang non-stick na kawali o griller.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.  For the sauce:   Igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4.   Ilagay na agad ang pineapple chuncks kasama ang syrup o sabaw.
5.  Ilagay na din ang toyo, honey bee at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Maaaring lagyan ba ng honey or sugar kung kinakailangan.
7.  Ibuhos ito sa ibabaw ng nilutong burger.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

NOTE:   Kung nagustuhan mo ninyo ang post kong ito, paki-click na lang po ng mga ADS.   Salamat po.

Comments

Dennis said…
Thanks pinkcookies....salamat naman at napapadaan ka pa din sa aking munting food blog. kamusta and regards - Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy