BRAISED PATA in CRUSHED PINEAPPLE



Kapag sa luto ng pata ng baboy ang paguusapan, dalawang klase ng luto lang ang naiisip ko.   Ang paksiw at ang crispy pata.   Parehong paborito ko ang mga lutong ito sa pata.   Sa paksiw, gusto ko yung suka, bawang, asin at paminta lang ang ilalagay para natural na lasa ng karne ang iyong malalasahan.  But ofcourse, sino ang aayaw sa paborito ng lahat na crispy pata.   Yummy talaga..wala nang eksplanasyon pa.   Hehehehe.

Pero marami na din akong luto sa pata na nagawa na nasa archive at isa sa mga paborito ko dito ay yung parang lutong hamonado ang dating.   Yung lulutuin mo siya o ibe-braised sa pineapple juice hanggang sa lumambot.   Panalo at mapaparami ka talaga ng kanin dito.   Hehehehe.

This time, sinubukan ko namang i-braise ang pata sa crushed pineapple.   Mahinang apoy din lang ang ginamit ko at nilagyan ko din ng star anise at laurel para pata tim kako ang dating.   At ano pa nga ba ang kakalabasan, isang masarap, malasa at malinamnam na pang-ulam para sa buong pamilya.   Try nyo din po.


BRAISED PATA in CRUSHED PINEAPPLE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Pata (piliin yung malaman na parte)
6 pcs. Saging na Saba (slice into 2)
1 small can Crushed Pineapple
2 pcs. Star Anise
2 pcs. Dried laurel leaves
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Brown Sugar
1/2 tsp. ground Black Pepper
1 large Onion (slice)
1 head minced Garlic
Salt to taste
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Sesame Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola pagsama-samahin ang lahat na mga sangkap maliban nsa sesame oil at saging na saba.
2.   Isalang ito sa apoy at hayaang maluto.   Kapag kumukulo na ilagay na lang sa medium ang apoy.   Lagyan ng tubig pa kung kinakailangan.
3.   Kung malapit nang lumambot ang pata, ilagay na ang saging na saba.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa
5.   Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6.   Patayin na ang apoy at saka ilagay ang sesame oil.

Ihain habang mainit-init pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy