CHICKEN ALA QUEEN


Wala akong magawa sa pangalan ng dish na ito kaya pinangalanan ko na lang ng Chicken ala Queen.  Hehehehe.   Actually, chicken ala king siya na chicken pastel na walang crust.   Yes.  Parang ganun lang siya in the simpliest way.   Pareho lang kasi halos ang sangkap at pamamaraan ng chicken ala king at chicken pastel.  Yun nga..yung crust lang siguro ang pinagkaiba.   And this chicken ala queen ay dun ko lang nakuha na recipe.   Pero sabi ko nga, ito marahil ang pinaka-simple pero hindi simple ang sarap.  Yup.   Masarap itong i-ulam sa kanin o maging sa tinapay.   Try nyo po.


CHICKEN ALA QUEEN

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast fillet (cut into cubes)
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Butter
1/2 cup Flour
1 large Carrots (cut into cubes)
1 medium size Potatoes (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 cup Green Peas
1 cup sliced Mushroom
1 cloves minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserol igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.   Isunod na agad ang hiniwang chicken fillet.  Timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.
3.  Kung nawala na ang pagka-pink ng manok, ilagay na ang patatas, carrots at red bell pepper.  Hayaang maluto ang patatas.
4.   Sunod na ilagay ang mushroom, green peas at all purpose cream.
5.  Huling ilagay ang tinunaw na harina para lumapot ang sauce.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
sir dennis may pag kamatamis poba ang lasa nito.?halos pareho pho eto ng niluto mho na creamy pork w/mushroom and potatoes.

Raymond
Dennis said…
Hindi Raymond....wala namang sugar sa mga sangkap di ba? But yes parang magkalasa ito sa creamy pork and mushroom.
Anonymous said…
hnd poba eto mapa2nis dhl s all puspose cream kung sakaling may matira pang bukas kht hnd nka chiller?

Raymond
Dennis said…
Raymond dapat ilagay sa fridge yung hindi naubos. Madali nga mapanis ang ganyang luto kasi may cream.

Thanks again.

Dennis
Anonymous said…
ok pho. . tnx

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy