CHICKEN NOODLE SOUP


Natatandaan nyo ba yung instant noodle soup na Royco?  Yung noodles soup na pinapakuluan lang sa tubig at may mainit na sabaw ka na.
Noong araw, kapag nakakakain ka ng ganito parang mayaman ka na din.   hehehehe.   Mga mayayaman lang kasi ang nakakabili noon ng mga instant na pagkain.   Masarap ito lalo na ngayon panahon ng tag-ulan.

Ito ang naging inspirasyon ko ng lutuin ko ng noodles soup na ito.  Actually, puro tira-tira ang mga sangkap na ginamit ko dito maliban lang sa evaporated milk na inilagay ko at sa itlog na nilaga.

Yung noodles, yun yung natira na spaghetti pasta nung nagluto ako ng pinoy spaghetti.   Yung laman ng manok naman ay yung mula pa sa chicken back na pinagpakuluan ng sabaw para sa pancit molo na ginawa ko.   At yung sausage naman ay yung tira pa ng anak kong si Anton mula sa kanyang baon.   O di ba?   nakatipid ako nito.  hehehehe

Pero huwag ismolin ang noodle dish na ito.  Masarap, malinamnam at nagbabalik ang aking ala-ala sa Royco noodle soup na ating kinalakihan.


CHICKEN NOODLE SOUP

Mga Sangkap:
300 grams Spaghetti pasta (cut into 1 inch long)
2 pcs. Chicken Back (nabibili ito sa mga supermarket at a very cheap price)
1 small can Alaska Evap (yung red ang label)
1 can Vienna Sausages (cut into small pieces)
5 cloves mined Garlic
1 medium size Onion (chopped)
2 tbsp. Butter or margarine
Salt and pepper to taste
Hard Boiled Eggs (for garnish)

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang Chicken Back o Pitso ng manok sa kaserolang may tubig at asin.   Hayaang kumulo ng mga 15 to 25 minuto.   Hanguin ang manok...palamigin at himayin ang mga laman nito.
2.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter o mantikilya.
3.   Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng manok.   Hintayin kumulo.
4.   Kung kumukulo na, ilagay na ang spaghetti pasta at ang hinimay na manok.   halu-haluin para hindi magdikit-dikit ang pasta.
5.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.   Takpan at hayaang umalsa ang pasta noodles.
6.  Ilagay ang evaporated milk bago ihain.

Ihain habang mainit pa at lagyan ng hiniwang nilagang itlog sa ibabaw.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy