CHICKEN THIGH FILLET ala BISTEK

Isa sa paborito kong luto ay itong bistek.   Yes.  Yung tawag natin sa beef steak na tinagalog lang.  Ito yung luto sa beef na hiniwa ng maninipis at siya niluto sa toyo at katas ng calamansi.

Gustong-gusto ko ang dish nito dahil dun sa naglalabang lasa ng alat ng toyo at asim ng calamansi.   Kapag ito angulam namin, tiyak kong mapaparami ako ng kanin.   Hehehehe

Kung may budget, karneng baka talaga ang masarap sa lutong ito.   Kung wala naman, pwede din sa karneng baboy.   Nasubukan ko na din nga sa isda naman.  
At this time sa chicken fillet naman.

Yung thigh part ang ginamit ko sa dish na ito at yung nakasama pa ang balat.   Mainam na kasama pa din yung balat para hindi maging dry yung meat pagkatapos lutuin.   Although sabihin na natin na hidi healthy ito pero okay na din kung paminsan-minsan lang.   hehehehehe.


CHICKEN THIGH FILLET ala BISTEK

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin on)
10 pcs. Calamansi
1/2 cup Soy Sauce
2 pcs. White Onion (cut into rings)
5 cloves minced Garlic
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng manok.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang onion rings hanggang sa maluto ito ng bahagya.   Hanguin sa isang lalgyan.
3.  Sunod na igisa ang bawang hanggang sa mag-brown ng konti.
4.  Isunod na din ang chicken fillet.  Ilagay ito ng ang balat ang nasa ilalim ng isang layer lang hanggant maari.   Hayaang ma-prito ng bahagya hanggang sa kumatis ang sariling mantika nito.
5.   Ilagay ang toyo at kaunting tubig.   Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok.
6.  Kung tingin nyo ay luto na ang manok, ilagay na ang katas ng calamansi at timplahan ng maggi magic sarap.   Hayaan ng mga 5 minuto pa.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.  Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong onion rings.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy