CREAMY CHICKEN ADOBO



Dahil sa food blog kong ito, natuto akong maging experimental o liberal sa mga pagkain aking inihahain para sa aking pamilya.   Ofcourse ginagawa ko pa din yung luto na nakasanayan na natin.   Pero dahil gusto ko ngang makapag-share ng kakaiba sa mga nakasanayan na nating dish, ginagawan ko ito ng twist para mas lalo pa itong sumarap at ma-enjoy natin.   May mga pagkakataon sablay ang experiment, pero marami din naman ang succesful.

Kagaya nitong dish natin for today.   Ordinaryong chicken adobo pero nilagyan ko ng cream.   Yes mayroon nang gumawa nanilagyan ng kakang gata, pero ako first time ko pa lang gumawa nito with a cream.   Noong una medyo nagduda ako kasi di ba may suka ang adobo tapos lalagyan mo ng cream?   Baka kako maglaban o makulta ang cream dahil sa suka.  Pero hindi naman pala.   Masarap at nag-levelup ang love nating lahat na chicken adobo.


CREAMY CHICKEN ADOBO

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 tetra brick All Purpose Cream
3/4 cup Vinegar
1/4 cup Soy Sauce
2 heads Minced Garlic
1/2 tsp. Ground Black Pepper
2 pcs. Dried Laurel Leaves
2 medium size Potatoes (quartered)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang bawang, manok, asin, paminta, suka, toyo, dahon ng laurel at patatas.
2.  Isalang ito sa apoy at hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sabaw.
3.   Ilagay na ang all purpose cream at maggie magic sarap.   Hinaan ang apoy.
4.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy