CREAMY PORK MUSHROOM and POTATOES
For me, hindi naman kapag sinabing espesyal na ulam ay ito yung ulam na maraming sangkap na ginamit o medyo kumplikado ang pamamaraan ng pagkaluto. O pwede din na mahal ang mga sangkap o kaya imported kaya nasabi nating espesyal.
Para sa akin, nagiging espesyal ang isang putahe kung talagang kakaiba ang sarap nito kahit pa simple ang mga sangkap at paraan ng pagluluto. At syempre espesyal kung ginagawa mo ito para sa iyong mga mahal sa buhay.
Katulad nitong dish natin for today. Simple lang ang mga sangkap at paraan ng pagluluto na ginawa ko, pero kakaiba talaga yung linamnam na kinalabasan. Kahit nga yung sauce pa lang ay ulam na. Masaabi kong pwede natin itong lutuin para sa mga espesyal na okasyon sa ating mga mahal sa buhay. subukan nyo po.
CREAMY PORK MUSHROOM and POTATOES
Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim or Pigue (cut into cubes)
3 pcs. medium size Potatoes (cut also into cubes)
1 small can Sliced Mushroom
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Butter
1 head minced Garlic
2 pcs. White Onions (cut into rings)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-prito ang onion rings sa butter hanggang sa medyo malauto ito. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito din ang bawang hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sunod na ilagay na ang karne ng baboy at ang sabaw ng mushroom sa can. Timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng mga 1 tasang tubig, takpan at hayaang lumambot ang karne.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas at sliced mushroom. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5. Ilagay na ang all purpose cream at maggie magic sarap.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang at sibuyas.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Kung may google account ka...log-in ka lang then visit my blog. Or kung di mo pa rin ma-log....lagay mo na lang yung name sa comment mo. Salamat ng marami ha. Basta pag may tanong ka, mag-comment ka lang.
Dennis
Raymond
Salamat muli Raymond
Dennis