CRISPY CHICKEN FILLET with HONEY-STRAWBERRY-LEMON SAUCE


Paborito ng mga anak ko ang fried chicken.  Well, halos lahat naman siguro ng mga bata ay paborito din ito.   hehehehe.  Kaya naman madalas akong magluto nito sa bahay.   At para hindi ito maging nakakasawa, ginagawan ko ito ng kung ano-anong sauce o dip maliban sa gravy.

This time sinubukan ko namang gumawa ng sauce o glaze mula sa strawberry jam, katas ng lemon at pure honey bee.   Alam kong magiging swak ang lasa ng tatlong flavor na ito at hindi nga ako nagkamali.   Nagustuhan ng mga anak ko ang sauce na aking ginawa.  Ofcourse pati yung crispy chicken fillet.



CRISPY CHICKEN FILLET with HONEY-STRAWBERRY-LEMON SAUCE

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Thigh Fillet
1/2 pc. Lemon (juice, zest)
1 cup Cornstarch
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the Sauce:
2 tbsp. Butter
2 tbsp. Strawberry jam
1/2 pc. Lemon (juice, zest)
1/2 cup Pure Honey Bee
5 cloves minced Garlic
1/2 pc. Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng katas ng lemon, lemon zest, asin at paminta ang chicken fillet.   Hayaan ng 1 oras o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.   Ilagay ang cornstarch at minarinate na manok sa isang plastic bag.   Alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ang lahat ng piraso ng manok.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging crispy ang balat.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   For the sauce:  Igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
5.  Isunod na agad at lahat na mga sangkap para sa sauce at halu-haluin.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Hayaang kumulo sa mahinag apoy hanggang sa lumapot ito.
8.  I-slice ang cripsy chicken at ibuhos sa ibabaw ang ginawang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:   Kung nagustuhan po ninyo ang post kong ito, paki-click naman po ng ADS sa post na ito.   Marami pong Salamat.   - Dennis

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy