FATHER'S DAY LUNCH @ CABALEN


Father's Day kahapon.   A special day para sa mga ama, tatay, daddy, papa, tatang na katulad ko.

Na-feel ko talaga na espesyal ang araw na ito.   Bakit naman hindi?   Nag-effort talaga ang aking asawang si Jolly na ipagluto ako (kahit hindi talaga siya sanay magluto....hehehehe) ng isang espesyal na beef dish na saka ko na lang ipapakita sa isa ko pang espesyal na post.   hehehehe.   Nag-simba din kami at pagkatapos noon at pinakain naman niya ako at ang mga bata sa isang Kapampangan na restaurant sa Glorietta Makati ang Cabalen.

Matagal na din ang Cabalen sa restaurant business.   Actually, noong binyagan ang pangalawa kong anak na si James ay dito ko ginawa ang reception.

Buffet ang style ng resto na ito.   All Kapampangan favorites ang mga nakahanda.  


Hinayaan ko lang ang mga bata na kumuha kung ano ang gusto nila.   Ako naman, nag-start ako with a hot bulalo soup.  Okay naman, matabang lang sa panlsasa ko.

Sunod na kinuha ko ay ang mga appetizers.   Kumuha ako ng crispy kangkong, okoy na kalabasa, fried tofu at mangang hilaw na may bagoong.

For the main dish (please see pict above), kumuha lang ako ng kare-kare, dinuguan, adobong balut, beef caldereta at bringhe.   Late ko na nakita yung lechon pero kumuha pa din ako nito kahit konti.  Hehehehe.

Para panghimagas, kumuha ako ng ginumis at matamis na saging.   Ito yung parang ginataang buko na may sago.   Masarap naman siya at hindi gaanong matamis.

Busog na busog ako kahit hindi naman ganoon karami ang aking kinain.   Siguro epekto na din yun ng diet na ginagawa ko because of my diabetis.



On the postive note, okay naman yung mga food na sine-serve nila.   Masarap at pinoy na pinoy talaga.   At mura ha.   P298 lang per head at P60 para sa bottom less na drinks.

On the negative side, parang ang konti lang ng mga choices.   Compare noong araw na nag-pabinyag ako, marami ka talagang mapagpipiliian.   Also, parang ang tagal nilang mag-refill.  Yun nga kokonti na ang choices, ang tagal pang mag-dagdag o mag-refill.   Yung lechon nga, dadalwa pa lang ang kumukuha ay ubos na agad.  Konti lang kasi yung ni-refill nila.  Kahit sa mga desserts, konti din lang ang choices.

Kung babalik pa ako?   Pwede naman kung may maglilibre ulit sa akin.  Hehehehe.   Sana lang ay magkaroon pa ng maraming choices sa kanilang buffet table.

I really enjoy this year's Father's Day.   With my wife Jolly and the kids beside me, the day is perfect.

Next year ulit..... :)

Comments

Anonymous said…
Belated Happy Father's Day Sir! Okay naman sa Cabalen kasi mura naman siya. Value for money talaga. Diyan po ang baptismal reception ng baby girl ko 7 years ago na. Okay siya for occasions kasi ang per head budget is mas mura pa sa catering and no worries kasi eat-all-you can...Mommy Marie
Dennis said…
Yes Mommy Marie...kagaya nga ng nasabi ko dun ko din ginawa yung baptismal reception nung pangalawa kong anak. Pero noon, marami talagang choices compare ngayon. Although, sulit na din siya kasi busog ka naman talaga. hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy