FRIED SIU MAI o SIOMAI


May mga taong ang gustong pang-ulam ay yung masabaw o ma-sauce.  Yung iba naman gusto mga prito-prito o yung dry lang na ulam.   Sa amin, pag-prito ang ulam, dapat may soup na kasama or sauce yung mismong ulam.

Remember yung pancit molo last Monday?   Actually, dalawang luto ang ginawa ka sa siu mai o dupling na yun.   Yung isa nga ay may sabaw at ang isa naman ay itong prito.  Ofcourse parehong masarap ito.   Hehehehe.

Kung walang budget, pwede na yung recipe na ginamit ko sa pancit molo.  Kung meron naman, pwede nyo itong lagyan ng hipon para mas maging malasa ang pinaka-laman nito.   So for this recipe, isasama ko yung hipon.  Also, kung walang budget, singkamas na lang ang ilagay.   Kung meron naman, pwede kayong gumamit ng water chesnut at fresh mushroom.   Try nyo po.


FRIED SIU MAI o SIOMAI

Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Pork or Chicken (lean)200 grams Ground Pork Fat
1 pack Wonton Wrapper1 pc. large White Onion (chopped)
1 pc. Fresh Egg (beaten)
1 tsp. Garlic Powder 
1/2 cup Cornstarch or Flour
1 cup Singkamas or Water Chestnut (cut into small cubes)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap

100 grams Fresh Mushroom (chopped)
1 large White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang bowl pagsama-samahin ang mga sangkap sa wonton wrapper.   Maaring mag-steam o mag-prito ng kaunti para matikman kung tama na ang timpla.
2.   Ilagay ang nais na dami ng laman sa wonton wrapper na parang siomai.   Ilagay sa isang lalagyan.
3.   Ilagay muna ng mga 15 minutes sa freezer bago i-prito.
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika sa mahinang apoy hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay
5.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.


Ihain habang mainit pa na may kasamang sweet-chili sauce or calamansi na may toyo at chili-garlic sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy