JOLLY'S BEEF SALPICAO
Nitong nakaraang Father's Day, sinorpresa ako ng aking asawang si Jolly. Ipinagluto niya ako nitong masarap na Beef Salpicao. Actually, hindi niya alam ang tawag dito. Nagpaturo lang siya sa kanyang kasamahan sa trabaho para sa mga sangkap at kung papaano lulutuin. Nag-effort di ba? hehehehe
Sa hindi nakaka-alam, hindi talaga nagluluto sa bahay ang aking asawa. Kahit noong bago pa lang kami mag-asawa, inako ko na ang pagluluto para sa amin. Marunong din naman siya kahit papaano pero yung mga simpleng prito at hindi komplikadong dish ang kaya niya. Kaya nga bif deal para sa akin ang effort na ginawa niya na ito.
Talaga bumili pa siya ng mahal na klase na karne ng baka at nag-lista siya kung papaano ito lutuin. Ang ginawa ko na lang, inalalayan ko siya habang niluluto niya ito. Sayang naman kasi kung hindi magiging tama ang luto e ang mahal nung baka. hehehehe.
Nakakatuwa kasi masarap ang kinalabasan ng kanyang niluto. Kahit anag mga anak ko ay nagustuhan ito. I-share ko din sa inyo kung papaano niya ito niluto the way na itinuro ko sa kanya. Try nyo din po. Masisiyahan din po kayo sa sarap nito.
JOLLY'S BEEF SALPICAO
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Tenderloin (cut into 1/2 inch thick and desired sizes)
3 tbsp. Liquid Seasoning
3 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Garlic Powder
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste
Chopped parsley for garnish
3 tbsp. Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at garlic powder ang hiniwang karne. Hayaan ng mga 15 minuto o higit pa.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa butter hangang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isunod ang minarinade na karne at hayaang ma-brown ng bahagya.
4. Ilagay na ang toyo at mga 1/2 cup na tubig. Hayaang kumulo.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang liquid seasoning.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic at ang chopped parsley.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments
Dennis
Dennis