KALAYAAN 2013 at ang mga Pagkaing Paborito ng ating mga Bayani
Bukas June 12, ipagdiriwang sa buong Pilipjnas ang Araw ng Kalayaan. At katulad ng tema para sa taong ito na "Ambagan tungo sa Malawakang Kaunlaran" , nais kong mag-ambag kahit kapirasong pitak sa food blog kong ito.
At komo ito ay isang food blog, nais kong magbahagi ng mga pagkaing paborito ng ating mga bayani. Na-research ko din lang ito dito sa net at ginamit ko ang mga nakaraan kong recipes para ito maipakita nang mas maganda.
Unahin na natin ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Tinolang manok ang paborito niya. Pinoy na pinoy na talaga namang kahit saang parte ng ating bansa ay may ibat-iba silang version
(Tinolang Manok)
Si Andres Bonifacio naman ay Lechong Manok sa saha ng saging ang paborito.
(Lechong Manok)
Si Marcelo H. Del PIlar naman ay Pocherong baka o baboy. Paborito din niya ang enseladang talong at tempura komo ang kanyang asawa ay isang haponesa.
(Pocherong Baka)
Si Emilio Aguinaldo naman ay simple lang ang paboritong ulam. Nilagang Manok.
(Nilagang Manok)
Tunay na napakayaman ng ating bansa hindi lamang sa magigiting na bayani, kundi pati na din sa mga putaheng hinahangaan na din sa ibang bansa.
Sana bilang isang Pilipino, maibahagi din natin ang mga masasarap na putaheng ito sa mga kaibigan nating banyaga. Ipakita natin na proud tayo sa ating pinagmulan at sa mga pagkaing inibig din ng ating mga bayani.
MABUHAY ANG PILIPINAS!!!!

Comments