PAN-GRILLED PORK BELLY ala INASAL

Nakalimutan ko kung ano yung program na napanood ko sa channel 2 kung saan ipinakita yung mga heritage recipe sa ibat-ibang parte ng Pilipinas.   Isa sa mga dish na ipinakita ay yung special barbeque o inasal sa Ilo-ilo na minana pa dw niya yung recipe sa kanyang kanuno-nunoan.

Simple lang naman yung mga sangkap na inilagay niya sa marinade mix.   Although may binanggit yung host ng program na iba pang pampalasa, basta natandaan ko lang ay yung pangkaraniwang sangkap.   Yung natandaan ko lang ang ginamit ko sa recipe na ito.   Simple lang pero masarap nga ang kinalabasan.


PAN-GRILLED PORK BELLY ala INASAL

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
2 cups Sprite or 7-Up Soda
8 pcs. Calamansi (katas)
1/2 cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
2 tangkay Lemon grass o Tanglad (white portion only..pitpitin)
1 tbsp. Brown sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng mga sangkap para sa marinade mix.
2.   Ibabad dito ang pork belly ng overnight.
3.   Lutuin ito sa non-stick na kawali o stove-top na griller hanggang sa maluto.

Ihain na may kasamang sawsawan na pinaghalong katas ng calamansi, suka, toyo, ginayat na sibuyas at sili.

Enjoy!!!


NOTE:   Paki-click na lang po ang mga ADS sa right side at sa bottom ng bawat post.   Salamat po sa tulong ninyo.

Also, kung naibigan nyo po ang food blog kong ito, paki-share na lang po ang link sa inyong mga mahal sa buhay at kaibigan.

Pa-like na din po sa facebook.

Thanks

:)

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy