PANCIT MOLO


Ano ba ang pancit molo?   Soup ba ito o isang noodle dish (pancit).   Di ba sa pinoy pag sinabing pancit noodles ito na may sahog na karne o manok at mga gulay.   Pero bakit nga ba tinawag ito na Pancit Molo.

Ang Molo ay isang bayan sa Ilo-ilo na sinasabing doon nagmula ang masarap na soup dish na ito.   Siguro natawag na pancit ito komo nilalagyan din nila ito ng hiniwa o ginupit na wonton wrapper na may component ng isang noodles.

Ang pinaka-key sa dish na ito ay yung masarap na lasa ng sabaw at ang toasted garlic na ilalagay mo sa ibabaw.   Iba talaga ang nagiging lasa kapag mayroon ito noon.   At para magkaroon ng dagdag na o twist sa masarap nang dish na ito, nilagyan ko pa ito ng chopped parsley at binating itlog (parang egg drop soup) para mas kaaya-aya pa sa kakain.   Try nyo din po.


PANCIT MOLO

Mga Sangkap:
For the wonton:
1/2 kilo Ground Chicken
1 pack Wonton Wrapper1 pc. large White Onion (chopped)
1 pc. Fresh Egg (beaten) 
2 tbsp. Cornstarch or Flour1 tsp. chicken powder
1 cup Singkamas (cut into small cubes)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to tasteFor the soup:
2 pcs. Chicken back (soup bones)
1 pc. large White Onion (chopped)
1 pc. Fresh Egg (beaten) - for the soup
Spring Onions or Parsley (for garnish) 
2 heads minced Garlic
1/2 tsp. maggie magic sarap
 Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang bowl pagsama-samahin ang mga sangkap para sa wonton maliban sa wonton wrapper.   Maaring mag-steam o mag-prito ng kaunti para matikman kung tama na ang timpla.
2.   Ilagay ang nais na dami ng laman sa wonton wrapper na parang siomai.   Ilagay sa isang lalagyan.
3.   For the soup:    Pakuluan ang chicken back sa isang kaserolang may tubig at ginayat na sibuyas.   Hayaang kumulo hanggang sa lumasa na ang manok sa sabaw.
4.   I-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
5.   Ilagay ang binating itlog sa sabaw at haluin para hindi mag-buo-buo.   Ilagay na din ang ginupit na natirang wonton wrapper.
6.  Ilagay na ang ginawang wonton o siomai sa sabaw.  
7.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Hanguin sa isang mangkok o bowl at lagyan ng hiniwang spring onions at toasted garlic sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy