ROASTED CHICKEN with KFC LIKE GRAVY


Gusto nyo ba yung gravy ng KFC?   Me and my kids ay gustong-gusto.   Sinasabaw pa nga nila ito sa kanin habang kinakain nila ang ulam nilang chicken.   Sa palagay ko ay hindi kami nag-iisa.  Alam ko na marami sa atin ang ganito din ang ginagawa.   hehehehehe.

Kaya naman naisipan kong gayahin ito nang magluto ako ng roasted chicken nitong nakaraang Linggo.   Hindi man katulad na katulad ng sa KFC pero nalalapit naman ang sarap.

Actually, wala naman ang sinunod na recipe sa pag-gawa nito.   Basta ginawa ko lang yung basic sa pag-gawa ng gravy at idinagdag ko na lang yung binlender ko na nilagang patatas.

Well, naging mas masarap ang roasted chicken na ito ng makasama ang gravy na niluto ko.   Try nyo din po.


ROASTED CHICKEN with KFC LIKE GRAVY

Mga Sangkap:
For the Roasted Chicken:
1 whole Chicken (about 1.5 kilos)
1 pc. Lemon or 10 pcs. Calamansi
1 head minced Garlic
1/2 cup Soy Sauce
Tanglad
Salt and pepper to taste
For the Gravy:
1/2 cup Butter
1 cup All Purpose Flour
2 cups Chicken Broth or 2 pcs. chicken cubes dissolved in 2 cups hot water
2 pcs. Boiled Potatoes (i-blender na may kasamang 1/2 cup na tubig)
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan o kiskisan ng asin at paminta ang paligid at loob ng manok.
2.   I-marinate ang manok sa pinaghalong toyo,katas ng calamansi o lemon at bawang.   Mas matagal mas mainam.   Overnight is the best.  Huwag kalimutang ilagay ang tanglad sa loob ng katawan ng manok.
3.  Lutuin ito sa turbo broiler o oven sa init na 250 degrees hanggang maluto at pumula ang balat.
4.  For the gravy:   Sa isang sauce pan, tunawin ang butter at isunod agad ang harina.    Halu-haluin
5.  Ilagay na agad ang chicken broth o tinunaw na chicken cubes.   Patuloy na haluin.
6.  Ilagay na ang na-blender na patatas at timplahan ng asin at paminta.
7.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Maaaring lagyan pa ng tubig o chicken broth hanggang sa makuha ang tamang lapot ng gravy.

Ihain ang roasted chicken at gravy habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy