ASIAN FLAVORED ROAST PORK (Lechon Kawali)

Isa sa mga all time favorite ng mga Pinoy itong Lechon Kawali.   Ito yung kung hindi ka makabili kahit kilo-kilo lang ng lechon baboy talaga, pwede na itong lechon kawali.   Hehehehe.

Madali lang naman talaga lutuin ito.   Ang mahirap na parte lang ay yung pagpi-prito.   May ilang recipes ako sa archive para dito.   Nandoon din yung mga tips para hindi mahirap itong lutuin.   Pero ako, basta gusto kong kumain ng lechon kawali, to the rescue ang aking turbo broiler.   Hehehe.   Ito ang no hazzle na katulong pagdating sa lechon kawali.

Simple lang naman talaga ang pagluluto ng dish na ito.   Pero para maiba naman at magkaroon ng kakaibang lasa, pwede nating lagyan ng kung ano-anong flavor ang tubig na ating paglalagaan ng liempo bago ito i-roast o i-prito.   This time nilagyan ko naman ng herbs and spices na pangkaraniwan sa ating mga asyano.   Kay tinawag ko itong asian flavored roast pork.   Try nyo din po.



ASIAN FLAVORED ROAST PORK (Lechon Kawali)

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Belly o Liempo (cut into 2)
2 pcs. Dried Laurel Leaves
2 pcs. Star Anise
1 pc. Cinnamon Bark
1 head Garlic (skin on)
1 pc. Red Onion (quatered)
1 tsp. Whole Pepper Corn
1 tbsp. Rock Salt

Paraan ng Pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng mga sangkap at pakuluan sa loob ng 1 oras o higit pa depende sa klase ng liempo.  Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.   Mas mainam na gawin ito 1 araw bago ipi-prito o iro-roast.
2.   Kung ipi-prito, dapat sa freezer ito pinalalamig at from the freezer diretso ito sa kumukulong mantika (deep frying).
3.   Kung sa turbo broiler naman, i-set ang turbo broiler sa pinaka-mainit na settings at lutuin ng mga 45 na minuto hanggang 1 oras o hanggang sa mag-pop ang balat nito.
4.  Palamigin sandali bago i-slice.

Ihain na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng Lechon o Suka na may calamansi, toyo at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
ang sarap po
Dennis said…
Salamat....Madali lang lutuin di ba?


Dennis
Anonymous said…
Sir, kelangan po bang i-freezer din kung itu-turbo broiler?
Dennis said…
No need. Ang purpose lang ng pagpi-freezer ay para hindi masyadong tumilansik yung manitika habang pini-prito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy