BRIONES FAMILY THANKS GIVING LUNCH
Last Sunday July 14, 2013, nagkaroon ng munting salo-salo ang lahat ng pamilya sa side ng aking asawang si Jolly. Dumating kasi ang pamilya ng kanyang kapatid na si Beth mula Ireland at ang isa pa niyang kapatid na si Lita na mula naman sa Abu Dhabi. Na-aga ang pag-uwi ni Lita dahil na-stroke ang kanyang asawang si Kuya Robert. Okay na naman siya ngayon. At bilang pasasalamat ng bawat isang miyembro ng kanilang pamilya, naisipan nilang magdaos nga ng isang salo-salo para magpasalamat.
Bago nagsimula ang masaganang tanghalian ay syempre mawawala ba ang picture-ran. Hehehehe. Napagod tuloy ang aking biyenan sa kaka-pose. Hehehehe
Kanya-kanyang toka ang nagyari sa mga pagkaing aming pinagsaluhan. Ang dalawang balikbayan ang sumagot sa lechon na talaga namang napakasarap. Malutong ang balat at malasa ang laman. Ang dinig ko taga Cebu daw yung may ari ng lechonan na in-order-ran nila nito.
Komo alam kong paborito ng mga balikbayan at ng biyenan ko itong pancit palabok, yun naman ang aming naging share.
Ang balibayan din ang sumagot dito sa pork afritada na ipinaluto sa akin at ang adobong buto-buto (pict sa ibaba) na masarap namang talaga.
Ang hipag ko namang si Ate Azon ang maydala nitong kare-kare na nagustuhan naman talaga ng lahat.
Nagluto din ng espesyal na fried rice ang kanyang anak na si Joel.
Sa dessert naman, sinagot ng panganay na anak ang sorbetes na nagustuhan ko din dahil sa sarap. Para kasi siyang gelato na medyo makunat ang dating. Nagdala din naman ng fruit salad si Ate Myla na asawa ng kanilang kuya na si Kuya Alex. May cake din na dala naman ng mga bagets na kumikita na.
Busog at masaya ang lahat sa munting salo-salo na yun. Bakas sa mukha ng aking Inay Elo ang kasiyahan at nagka-sama-sama ang pamilya ng kanyang mga anak. Sayang din lang at hindi nakarating ang iba.
Sa dami ng pagkain ay kanya-kanyang balot naman ang nangyari. Hehehehe
Nakakatuwa ang mga ganitong pagsasalo-salo. Bukod sa masasarap na pagkain at busog din naman kaming lahat ng kasiyahan ng pagkikita-kita kahit sa sandaling oras lamang.
I hope next year sa ika-90 kaarawan ng aking biyenan ay maulit ang salo-salong ganito.
Amen

Comments