CHICKEN ALA KIEV - My Own version


Popular sa bansang Ukraine ang dish na ito na sinasabing dito ito nagmula.   Pero may mga historian na nagsasabi na sa Moscow sa Russia ito nag-originate.   Pero kahit saan pa ito nagmula, masarap talaga ang chicken dish na ito.   hehehe

Noon ko pa gustong magluto nito.  Para lang kasing kapareho ng chicken cordon bleu.  Yun lang ang chicken cordon bleu ay may palaman na ham at cheese samantalang itong chicken ala kiev ay butter, garlic at kung anong herbs kagaya ng basil o chives.   Also, napansin ko na parang walang sauce ang mga recipes na nabasa ko.   For my version ginawan ko ito ng white sauce para mas lalo pa itong sumarap.   At wag ka, ang sauce ang mas nagustuhan ng anak kong si Anton.   Hehehehe.   Subukan nyo din po.


CHICKEN ALA KIEV - My Own version

Mga Sangkap:
5 pcs. Whole Chicken Breast (cut into half)
2 cups Chopped Fresh Basil Leaves
1 bar Butter (cut into logs 2 inches long)
1 pc. Egg (beaten)
3 cups Japanese Breadcrumbs
Cooking Oil for frying
Salt and pepper to taste
For the white sauce:
1/2 cup All Purpose Flour
1 small can Alaska Evap milk (yung red ang label)
1/2 cup Melted Butter
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang bawat piraso ng chicken breast hanggang sa numipis ito.   Ingat na huwag masira o mabutas ang laman ng manok.
2.   Timplahan ito ng asin at paminta at hayaan ng ilang sandali.
3.   Palamanan ang manok ng hinwang basil o chives at lagyan ng piraso ng butter.   I-roll ito.   Dapat wala opening sa magkabilang gilid para hindi lumabas ang butter pag natunaw.  Ilagay muna sa isang lalagyan.
4.   I-gulong sa binating itlog at saka i-roll naman sa Japanese breadcrumbs.   Ilagay muna sa isang lalagyan at ilagay sa freezer ng ilang sandali (5 minutes).
5.   I-prito ito ng lubog sa mantika sa katamtamang init ng apoy hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
6.   For the sauce:   Sa isang saucepan, tunawin ang butter at saka ilagay ang harina.   Halu-haluin hanggang sa matunaw ang harina sa butter.
7.   Ilagay na agad ang evaporated milk at timplahan ng asin, paminta at magie magic sarap.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan sa nais na lapot ng sauce.

Palamigin muna ang chicken roll bago i-slice.  Ihain na may white sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy