CHICKEN STEW with PALM DATE


Isa pang simpleng chicken dish ang handog ko sa inyong lahat.   Chicken Stew with Date.   Actually, parang chicken afritada lang din siya pero mayroong kakaibang lasa pagdating sa sauce.   Lasa mo yung matamis na lasa ng Date.

Yung date pala ay pasalubong ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Lita.   Kagagaling lang niya ng Abu Dhabi at isa ito sa pasalubong niya sa akin.   Hindi naman mahilig dito ang aking mga anak kaya ako lang ang kumakain nito sa bahay.   Kaya nung minsang nagiisip ako ng luto sa manok, naisipan kong i-stew ito at lagyan ng date.   Masarap siya lalo na nung nadurog na at sumama sa sauce yung dates.   Try nyo din po.


CHICKEN STEW with PALM DATE 

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
15 pcs. Palm Dates
1 tetra pack Tomato Sauce
2 pcs. Potatoes (quatered)
1 pc. Red Bell Pepper (sliced)
1 pc. Carrot (cut into cubes)
1 large Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
2 tbsp. Cooking Oil or Butter

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa bawang, sibuyas at kamatis sa butter o mantika.
2.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Ilagay na ang tomato sauce, dates, patatas, carrots at red bell pepper.   Takpan at hayaang maluto sa mahinang apoy.
4.   Timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy