CHICKEN THIGH FILLET in CURRY SAUCE


Nitong nakaraang linggo magsimula ang Remadan ng mga kapatid nating Muslim at nagkataon naman na itong dish na ito ang niluto ko for dinner that day.   Malapit sa mga muslim ang dish na ito, bukod kasi sa hindi sila kumakain ng baboy ang flavor nito dahil sa curry ay malapit na malapit din sa kanila.   Pangkaraniwan kasi sa mga pagkain nila ay madidilaw.

Favorite din ito ng anak ko si Jake.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito.   Sa unang kong post ng dish na ito, whole chicken na hiniwa ng pira-piraso ang aking ginamit.   This time chicken fillet naman.   Yung thigh part ang ginamit ko kasama yung skin.   Yun kasi ang magbibigay ng fats o oil sa pag-gisa nito.   Sa kabuuan ay masarap talaga ang dish na ito.  Tamang-tama lang ang pagka-anghang at nagustuhan talaga ng mga anak ko.


CHICKEN THIGH FILLET in CURRY SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces)
2 tbsp. Curry Powder (or kung gaano karami ang gusto nyo)
2 pcs. medium size Potatoes (quartered)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Green or Red Bell Pepper
2 cups Pure Coconut  milk
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng chicken fillet.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang bawat piraso ng chicken fillet hanggang sa mawala lang ang pagka-pink ng laman nito at maglabas ito ng mantika.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
4.   Ibalik na sa kawali ang chicken fillet kasama na ang carrots at patatas.   Ilagay na din ang curry powder at kauting tubig. Takpan hanggang sa maluto ang patatas.
5.   Sunod na ilagay ang red o green bell pepper at ang kakang gata.   Timplahan ng kaunting asin, paminta at maggie magic sarap.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy