GINATAANG PORK ADOBO


Everybody's favorite natin itong pork adobo.  Kahit saang lugar dito sa Pilipinas ay may kani-kaniyang version ng pambansang ulam natin na ito.   May mga iba-iba ding sangkap na idinadagdag at maging ang paraan ng pagluluto ay nagkakaiba-iba din.

Kagaya nitong adobo recipe na nabasa ko sa Inquirer.   Iba ang pamamaraan ng pagluluto ng adobo niya.   Ako kasi basta pagsasama-samahin ko lang ang lahat ng mga sangkap at hahayaan ko nang maluto sa kalan.  Adjust na lang ako sa timpla kung malapit na itong maluto.   Yun lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha-kuha ang adobo ng aking namayapang Inang Lina.   The adobo in the whole wide world.


GINATAANG PORK ADOBO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo or Kasim (cut into cubes)
1/2 cup Vinegar
2 cups Soy Sauce
1 cup Water
2 heads Minced Garlic
2 pcs. Dried Laurel leaves
2 cup Kakang Gata
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Pepper Corn
1/2 tsp. ground Black pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola o non-stick na kawali, pagsamahin ang lahat ng mag sangkap maliban sa karne ng baboy at kakang gata.
2.   Isalang ito sa kalan at hayaang kumulo ng mga limang minuto.   Huwag hahaluin ha.
3.   Ilagay na ang karne ng baboy at takpan.   Hayaang maluto ang karne.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan at kung gusto ninyong masabaw ang inyong adobo.
4.   Kapag kumonte na ang sabaw at nagmantika na ang inyong adobo, ilagay na  ang kakang gata at hayaan kumulo ng mga limang minuto muli.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain na may kasamang maraming mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy