GINISANG UPO OVERLOAD
Isa pa sa mga childhood dish ko ay itong Ginisang Upo. Yes ang pinakamagalang sa lahat ng mga gulay. Hehehehehe. Madalas magluluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung pritong isda ang aming ulam. Gigisa lang niya ito at lalahukan ng hibi o hipon na maliliit ay ayos na ayos na.
Nagbalik tanaw ako sa mga panahong yun nang makita ko itong gulay na upo sa palengkeng aking pinamimilihan. Bagong dating kasi ang mga gulay at sariwang sariwa talaga ang mga ito. Kaya bumili ako ng isang piraso sa halagang P30 at itong ginisang upo nga ang nasa aking isip. Tamang-tama naman at may natira pa akong swahe na hipon at lechong kawali naging napaka-sarap ag aking naging pagbalik ala-ala sa dish na ito. Yummy!!!!
GINISANG UPO OVERLOAD
Mga Sangkap:
Nais na dami ng Upo (hiwain ng pahaba)
250 grams Lechon Kawali (hiwain ng pa-cubes)
250 grams Hipon (alisin ang ulo at balat)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1/2 tsp. ground Black Pepper
2 tbsp. Cooking Oil
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang almires, dikdikin ang ulo ng hipon ha nggang sa maging parang paste. Ilagay muna sa isang lalagyan.
2. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
3. Isunod na agad ang hiniwang lechon kawali, hipon at ang dinikdik na ulo ng hipon. Lagyan din ng 1/2 tasang tubig.
4. Ilagay na din ang upo at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at takpan hanggang sa maluto ang gulay.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments