JOLLY'S 2013 BIRTHDAY CELEBRATION

 My wife Jolly celebrated her 46th Birthday last July 17, 2013.   Pinili niya na sa isang restaurant na lang ito sa the Fort gawin para hindi na daw kami mapagod.   Modern Sichuan ang pangalan ng restaurant.   Dito niya napili na gawin komo ang asawa ng kanyang ka-officemate na si Chinna ay dito nagwo-work at maari din daw maka-kuha ng discount.  Hehehehe

9pm ang start salu-salo komo ang karamihan sa mga guest niya na ka-officemate niya ay manggagaling pa sa kanilang work.   Maaga kaming nakapunta sa venue ng dalawa kong anak na sina James at Anton.   Wala ang aking panganay dahil busy sa pagre-review para sa kanyang exam.

Ang picture sa itaas ang birthday cake na bigay ko sa may birthday.   Ang sarap ng cake na ito.   Hindi siya masyadong matamis.   Sa Estrels nila ito in-order.

 Kasama pala sa mga bisita niya ng gabing yun ay ang kanya mismong boss na si Doc Baby.   Nakakahiya nga at nauna pa siyang dumating kesa sa amin at sa may birthday.   Nandun din ang anak ng boss niya na si Doc James kasama ang kanyang asawa.   Nandun din mostly ay mga kasamahan niya sa work.

Special mentioned ko si Chinna (girl in blue) at ang kanyang asawang si Richard (boy in red stripes shirt).   Sila yung sinasabi kong nag-ayos para gawin dito ang birthday blowout na ito.   The tall guy pala ay ang head chef ang resto na yun na kaibigan din ng aking asawa.

 Unang inihain ay ang soup.   Hindi ko lang matandaan kung nido o corn soup ito.  Masarap naman.

 Pangalawang inihain ang noodle dish na para daw talaga sa mga may birthday.   Sabi nga ng isa sa mga guest na huwag daw puputulin ang noodles habang kinakain para long life daw sa may birthday.   hehehehe

 HIndi ko alam ang tawag sa mga food na kinain namin that night.   Pero pipilitin kong maipaliwanag ang lasa at mga sangkap nito.   Kagaya nitong pict sa itaas, stir fried shrimp ata ito na may ripe mango at chicharo.

Ito naman ay Baguio Beans na may ground pork.   May nalalasahan akong parang anchovis o bagoong.   Medyo maanghang din ito.   Pero nagustuhan ko ito talaga.

 May sweet and sour fish din.

Roast Peking duck na nakabalot na sa fita bread ba ito na may kasamang cucumber at carrots.


 Mayroon ding alimango na may kasamang sotanghon.

 At syempre mawawala ba ang kanin?   Yang Chow Fried rice ang ni-request namin.

May mga dish din na hindi ko na nakunan ng picture.   Yung minced duck na ilalagay mo sa fresh lettuce, at yung stir fried asparagus an may pusit.


Bago inihain ang dessert na almond jelly at buchi, nag-blow muna ng kanyang birthday cake ang may birthday para mapagsaluhan din daw ang masarap na cake.

 Marami ang hindi kinain ang kanilang almond jelly.  Para daw kasing gamot sa sipon ang lasa nito.  hehehe

As always, hindi pwedeng hindi ko bibigyan ng bulaklak ang aking asawa sa kanyang kaarawan.   Mula nung magpakasal kami ay palagi ko na itong ginagawa.  And this time, 2 dozens of red roses ang ibinigay ko sa kanya.

Walang katapusang picture-picture ang nangyari nung papauwi na kami.   Maganda kasi yung place at wala nang masyadong tao.


Natapos ang gabi na busog at masaya ang lahat.   Maging ang may birthday ay bakas sa kanyang mukha ang kaligayahan.   Dalangin ko sa Diyos na sana ay bigyan pa siya ng marami pang kaarawan at malusog na pangangatawan at makasama pa kami sa marami pa niyang birthday celebrations.   hehehehe

Sa lahat ng nakarating sa salu-salong ito, MARAMING MARAMING SALAMAT sa INYO.

Hanggang sa muli.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy