PASTA NEGRA

Naging kaugalian na nating mga Pilipino na maghanda ng noodles kapag mayroong may kaarawan sa ating pamilya.  Kahit ako ay sumusunod din sa kaugaliang ito na minana natin sa ating mga kapatid na Tsino.

Nitong nakaraang kaarawan ng aking asawang si Jolly, nagluto din ako ng espesyal na pasta dish.   Yung Bacon Ham and Mushroom Spaghetti ko.  Hindi ko alam na ipinagluto din pala ng kapatid kong si Shirley ang may birthday ng pasta dish.   At ito ay ito ngang recipe ko for today.   Ang Pasta Negra.   tinanong ko ang aking kapatid kung saan niya nakuha ang idea, at nakuha nga daw niya ito sa aking kapatid naman na nasa Japan, ang aking Kuya Nelson.

Nakabuo tuloy ako ng idea sa natirang pusit na niluto ko nitong isang araw.  Remember my Squid in Oyster Sauce?   May natira pa kasi komo hindi masyadong mahilig ang akibng mga anak sa Pusit.  At ito nga ang ginamit kong sauce sa version ko naman ng Pasta Negra.   At masarap ha.  Iba talaga ang lasa ng pusit sa pasta.   Try nyo din po.


PASTA NEGRA 

Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti pasta (cooked according to package directions)
1/2 kilo Fresh Squid (cleaned and cut into rings)
Celery (chopped)
Parmesan Cheese or any kind of Cheese grated
3 tbsp. Olive Oil
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
1 thumb size Ginger (cut into small pieces)
Salt and pepper to taste

 Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.  
2.   Sa isang kawali (yung kakasya ang pasta na niluto), igisa ang luya, bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Ilagay na agad ang pusit kasama ang tinta o yung maitim na ink nito.   Timplaha ng asin at paminta ayos sa inyong panlasa.
4.  Lagyan ng mga 2 tasa ng sabaw na pinaglagaan ng pasta.
5.   Ilagay na ang nilutong pasta, chopped celery at 1 cup na grated cheese.   Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
6.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng parmesan cheese sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy