PORK NILAGA na may UPO
Ang nilaga marahil ang pinaka-madali at pinaka-simpleng dish o pang-ulam na pwede nating lutuin. Kahit walang experience sa pagluluto ay tiyak kong nagagawa ito. Kahit baka, manok, baboy o isda man ay pwedeng ilaga. Pero ang malaking tanong ay kung papaano ito mapapasarap lalo na ang sabaw.
Pangkaraniwang gulay na inilalagay natin sa ating nilaga ay pechay, repolyo, patatas at Baguio beans. Yung iba naglalagay din ng sayote o kaya naman ay mais. Okay naman ang mga gulay na ito. Pero kung gusto ninyo na maiba naman ang gulay na ilalagay, bakit hindi nyo subukan ang upo at sigarilyas. Lalo na ang upo, kapag isinama mo ito sa nilaga, mas sumasarap ang sabaw nito dahil may natural na katas ito o tubig na manamis-namis lalo na kung sariwa o bagong ani lang.
Winner ang nilaga dish na ito. Tamang-tama sa maulan na panahon dito sa 'Pinas.
PORK NILAGA na may UPO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (with bones, cut into serving pieces)
1 small size Upo (cut into cubes)
Sigarilyas/wingbeans (cut into 2)
Pechay
2 tangkay Leaks
1 large Onion (Quatered)
1 tsp. Pepper Corn
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baboy sa tubig na may asin hanggang sa lumambot.
2. Ilagay ang sibuyas, pamintang buo, upo at sigarilyas. Hayaang maluto ang gulay.
3. Timplahan ng maggie magic sarap at patis ayon sa inyong panlasa.
4. Huling ilagay ang leaks at pechay.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!

Comments