STIR FRIED SQUID in OYSTER SAUCE

Matagal-tagal na din kaming hindi nakaka-kain ng pusit o squid.   Ang last ata ay nung nag-outing kami ng aming pamilya sa Anilao, Batangas.   Kaya naman nang makita ko itong pusit na ito sa Farmers market sa Cubao ay hindi na ako nag-atubili pa na bumili kahit medyo may kamahalan ito.

Dalawa lang naman ang iniisip kong pwedeng luto sa pusit na ito.   Adobo at yung may oyster sauce.   Mas pinili ko yung huli komo nadadalas naman ang pagkain namin ng adobo sa bahay.   Isa pa, sa ganitong klase ng seafoods, stir-fry lang ang mainam na gawing luto.   Lalo na sa pusit, kapag nasobrahan ito ng luto tumitigas yung laman niya.  So tamang-tama lang ang oyster sauce para pampalasa sa stir-fry dish na ito.  Try nyo din po.


STIR FRIED SQUID in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo medium size Squid o Pusit (linising mabuti at alisin yung parang plastic na backbone niya)
2 tangkay na Celery (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and Pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.    Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin.
2.   Ilagay na agad ang pusit at timplahan ng asin, paminta, oyster sauce at brown sugar.  Patuloy na halu-haluin.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4.   Huling ilagay ang celery bago hanguin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy