TINOLANG BANGUS
Hiniling ng asawa kong si Jolly na magluto naman daw ako ng sinabawang isda. Sabagay, masarap ngang mag-ulam ngayon ng masasabaw na pagkain dahil nauuulan na naman. Napa-isip tuloy ako kung ano ang masarap na isda na sabawan.
Kapag nag-uulam kami ng isda sa bahay, kung kailan namin ito uulamin ay nun lang ako namimili ng isda na lulutuin. Yung galing pa talaga sa palengke at hindi yung frozen na. Tama naman na nakita ko itong sariwang bangus na tingin ko ay mataba ang tiyan.
Bagamat nasanay na kami sa boneless na bangus, naisipan kong tamang-tama itong itola kahit na medyo may katinikan ang laman nito. At tama naman ang aking naisip. Masarap at malinamnam ang sabaw ng aking tinolang bangus. Tamang-tama sa maulan na panahon.
TINOLANG BANGUS
Mga Sangkap:
1 large size Bangus (sliced)
1 pc. large size Sayote (balatan at hiwain sa nais na laki)
Dahon ng Sili
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. large size Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 tsp. Whole Pepper Corn
Salt or patis to taste
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
2 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Lagyan ng nais na dami ng tubig na pang-sabaw. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3. Ilagay na ang bangus at ang sayote. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda at sayote.
4. Timplahan ng pamintang buo, asin o patis at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
5. Huling ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang kalan.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!
Comments