TURBO BROILED BANGUS with BUTTER, BASIL, ONION and TOMATOES

Mula noong mauso itong boneless bangus sa mga supermarket o sa palengke man hindi ko na ninais pa na magluto at kumain ng bangus na hindi boneless.   hehehehe.   Kasi naman, masyadong matinik itong bangus at pahirapan talaga kapag kinakain mo na ito.   Hehehehe.   Yun lang, ang problema ngayon, limitado ang pwedeng lutong gawin sa boneless daing na bangus na ito, i-prito o kaya naman ay lagyan ng palaman at i-ihaw.

Marami-rami na din akong recipes sa lutong ito ng bangus sa archive.   Nagkakaiba sila sa klase ng palaman na aking inilalagay.   At itong recipe natin for today ay isa pang dagdag sa aking listahan.   Bukod sa pangkaraniwan na sibuyas at kamatis, this time nilagyan ko naman ng butter at chopped na fresh basil leaves.   Nakuha ko yung idea sa chicken ala kiev na ginawa ko nakaraan kong post.   At hindi nga ako nagkamali.   Masarap at kakaiba ang lasa ng bangus dish na ito.




TURBO BROILED BANGUS with BUTTER, BASIL, ONION and TOMATOES

Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
8 pcs. Tomatoes (sliced)
2 pcs. large size White Onion (chopped)
1 cup Fresh Basil Leaves (chopped)
1/4 bar Butter (cut into logs)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng  pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang boneless bangus.
2.   Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang sibuyas, kamatis at fresh basil.   Timplahan na din ng kaunting asin, paminta at maggie magic sarap.
3.   Ipalaman ito sa bangus at lagyan ng nais na dami ng hiniwang butter.
4.   Balutin ng aluminum foil at lutuin sa turbo broiler sa pinakamainit na settings sa loob ng 30 minuto hanggang sa maluto.

Hayaan muna ng ilang sandali bago alisin ang balot na aluminum foil at saka ihain.   Huwag kalimutan ang sawsawang calamansi na may toyo, suka at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Ser napansin ko yung mga luto mo ang galing. Tapos habang browse ako ng blog mo nakita ko yung mga pictures. Mgkamaganak pala tayo. Ang lolo ko kapatid ng nanay Ilo. Bale ang Inay eh pinsang buo ni ate Jolly.
Anonymous said…
pwidi po food sa bagong panganak?thanks more power
Dennis said…
Talaga!? Hehehehe. Ano pangalan mo at ng Nanay mo nang masabi ko din sa Ate Jolly mo. Sa San Jose din ba kayo nakatira?
Dennis said…
May mga bawal ba sa bagong panganak na pagkain? Hindi ko alam. Pero yung mga shell fish na may sabaw kagaya ng tahong, halaan at iba pa ay ok na ok daw sa mga kapapanganak pa lang.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy