NO BAKE MEATY LASAGNA
Ito ang dish na hiniling ng anak kong si James nitong nakaraan niyang kaarawan. No Bake Meaty Lasagna. Yes. All meat ang sangkap ng lasagna na ito. Hindi kasi kumakain ng gulay ang isa kong anak na ito. Pag kumain nga ng pancit guisado ito, makikita mo sa gilid ng plato ang mga gulay. Haayyy.
No bake ang lasagna kong ito komo wala kaming oven na pwedeng paglutuan. Ok din lang naman, dahil halos pareho lang ang finished product. Dapat lang ay well done ang pagkaluto nung pasta sheets na gagamitin. Also,
NO BAKE MEATY LASAGNA
Mga Sangkap:
500 grams Lasagna pasta sheets
500 grams Ground Lean Beef
250 grams Bacon (chopped)
250 grams Ham (chopped)
2 pcs. large Red Onion (chopped)
1 head minced Garlic
3 cups Clara Ole 3 Cheese Pasta Sauce
3 tbsp. Olive Oil
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
For the White Sauce:
1 big can Alaska Evap (red label)
1/2 cup Butter
1/2 cup Flour
2 cups grated cheese
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang lasagna pasta sheets according to package directions. Pagkaalis sa kalan, hayaan pang umalsa ang pasta sa kaserolang pinaglutuan. I-drain lang kung ia-assemble na.
2. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil or butter.
3. Isunod na agad ang ground beef at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
4. Ilagay na ang hiniwang bacon at ham. Halu-haluin.
5. Sunod na ilagay ang 3 cheese pasta sauce. Hayaang kumulo.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. To assemble: Sa isang square dish, maglatag ng nilutong lasagna pasta.
8. Sunod na lagyan ng ginawang meat sauce. Alternate na lagyan ng lasagna pasta at meat sauce.
9. For the white sauce: Sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
10. Ilagay ang harina at sabay na haluin para di magbuo-buo.
11. Ilagay na din ang evaporated milk at 1 cup na grated cheese at patuloy na haluin sa mahinang apoy.
12. Timplahan ng asin at paminta. Maaring lagyan ng tubig hanggat makuha ang tamang lapot na kailangan.
13. Tikman at i-adjust ang lasa.
14. Ibuhos ang white sauce sa ibabaw ng lasagna.
15. Ibudbod ang natitira pang grated cheese sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments