ATE MARY ANN'S 50TH BIRTHDAY
Last September 21, nag-celebrate ng kanyang ika-50 kaarawan ang aking panganay na kapatid na si Ate Mary Ann. Actually, September 20 ang birthday. Pero komo Biyernes yun minarapat naming Sabado gawin para mas marami ang maka-punta. Dinner ang handa kaya maaga pa lang ay umuwi na kami ng Bulacan para makatulong ako sa pagluluto. Ayaw kasi naming mapagod ang may birthday sa kanyang party.
3 dish lang naman ang niluto ko. Yung Ham and Pesto pasta, Cheesy Baby Potatoes with bacon at Crab and cucumber Spring Roll. Nakakatuwa, dahil nag-tatak talaga sa mga bisita ang spring roll na ginawa ko. Hehehehe.
Cheesy Baby Potatoes witn Bacon
Crab Stick and Cucumber Sprint Roll
Ham and Pesto Pasta
Arroz Valenciana
Lechon Kawali
Chicken Afritada
Lengua with Creamy Mushroom Sauce
Steamed Shrimp
Garbanzos for dessert
Maja Maiz gawa ng aking Tita Ineng
At cake galing naman sa aking Kuya Ting na nasa Japan.
Marami ang naging bisita. As early as 4pm ay may mga bisita na nagsidatingan. Kaya naman pandalas kami lahat sa pagluluto. Hehehehe
Mga malalapit na kamag-anak, kaibigan at mga dating ka-iskwela ang mga naging bisita ng aking Ate Ann. Nakakatuwa naman at silang lahat ay nasiyahan sa aming inihanda para sa aming kapatid.
9pm na ay may mga nagdadatingan pa. Pero kailangan na din naming umuwi back sa aming tahanan sa Cubao. Kaya gusto ko man na manatili pa ay kailangan na din naming umuwi.
Naging masaya ang lahat lalo na ang may birthday. Dalangin ko na sana ay bigyan pa ng mahabang buhay ang aking kapatid at magkaroon pa ng maraming kaarawan. Sanay bigyan pa siya ng malusog na pangangatawan at mahabang buhay.
AMEN.

Comments