BRAISED PORK BELLY in PINEAPPLE-ORANGE and HONEY


Ang Braising ay isang pamamaraan ng pagluluto kung saan ang karne ay niluluto sa kaunting liquid hanggang sa lumambot ang karne at maluto.   Tamang-tama ito sa mga mommy na busy sa kanilang work sa bahay o sa office man.  

Madali lang lutuin ang dish na ito.   Basta tama ang pagpak-marinade nito at pagkaluto ay tiyak kong magugustuhan ng mga kakain.   Simple din lang ang mga sangkap nito kaya sigurado akong kayang-kaya nyo itong gawin.   Try nyo din po.


BRAISED PORK BELLY in PINEAPPLE, ORANGE and HONEY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Leimpo (piliin  yung manipis lang ang taba)
2 cup Pineapple Juice (sweetened)
1 pc. Mandarin Orange
1/2 cup Pure Honey Bee
3 tbsp. Soy Sauce
5 cloves minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Brown Sugar

Paraan ng pagluluto:
1.  I-marinade ng overnight ang pork belly sa pineapple juice, bawang, sibuyas, asin at paminta.
2.  Sa isang non-stick na kawali na may takip, ilagay ng 1 layer ang pork belly.  Ilagay na din ang marinade mix.
3.   Lutuin ito sa katamtatamang init ng apoy hanggang sa lumambot.   Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang toyo, katas ng mandarin orange, brown sugar at honey.   Hayaang kumulo hanggang sa halos matuyuan na ng sauce.   Maaaring baligtarin ang karne para maging pantay an kulay at pagka-luto nito.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy